Dianne’s Point of View
Nandito na kami sa bahay at nasa harap ako ng salamin ngayon.
Kitang-kita ko yung marka ng kamay na namumula sa leeg ko. Kitang-kita at markang-marka ito sa leeg ko.
Tinignan ko ito ng mabuti at hindi ko maiwasang matakot sa kaniya.
"Bakit nga ba siya galit sa akin?"
Wala naman akong nagawang masama sa kaniya pero bakit parang... parang ang unfair naman ata ng mundo.
When I was young, hindi ko nakita yung parents ko, and now na may parents na ako, may hindi na namang maganda ang nangyayari.
"Kailan ba talaga ako sasaya na walang halong sakit?"
Hinawakan ko yung namumula sa leeg ko.
“Dianne.” Napalingon naman ako agad sa pinto nang magbukas ito.
“Hmm?” tanong ko.
“Okay ka lang?”
Ramdam na ramdam ko ang pininikip ng puso ko.
Hindi ito kilig kundi takot at sakit.
“Oh, okay lang ako,” pagsisinungaling ko kay Blaze.
Ayaw kong sabihin na hindi ako okay. Alam ko namang walang may pakialam doon. Ayaw ko na rin bigyan pa sila ng problema. I need to be happy.
I have to be happy for them.
Nang matapos na ako sa gagawin ko, ay lumabas na ako at nakita ko naman siyang nasa labas habang naka-blazer na.
“Tapos ka na?” tanong niya.
Tumango na lang ako.
“Tara!” sigaw niya at lumapit sa akin.
Nagulat pa nga ako nang bigla niya akong hinila.
“Saan tayo pupunta?” tanong ko.
Hindi lang siya sumagot at pinasakay niya ako sa big bike niya.
Pinaandar na niya ito.
---
Nandito kami sa amusement park.
Hindi ko alam kung bakit niya ako dinala dito.
“Here,” saad niya sabay bigay sa akin nung cute na cotton candy na kulay pink.
“Paano niya nalaman na favorite color ko yung pink?”
Napangiti na lang ako at kinuha iyon.
“Bakit mo alam na kulay pink favorite ko?” tanong ko.
“Ah, nalaman ko kay Anastasia. Nag-create kasi kami ng group chat nung isang araw para dun sa surprise sa’yo.” Tumango-tango naman ako.
“Si Dark, umuwi ba si Dark kagabi?” tanong ko.
“Hindi ko alam, wala na dun yung motor niya eh, tsaka tinawagan ko kanina, naka-silent lang ang phone niya.”
Tumango na lang ako, nasaan na kaya siya?
“Gusto mo sumakay ng ferris wheel?” tanong niya.
Napatingin naman ako doon, sobrang saya siguro sumakay nun.
“Next time na,” sagot ko.
“Bakit?” tanong ni Blaze.
“Wala ako sa mood,” sagot ko.
“Gusto mo bang lumayo sa kaniya?” tanong niya kaya napakunot naman yung noo ko.
“Gusto ko siyang tanungin kung bakit galit siya sa akin. Natatakot ako sa kaniya pero hindi ko pa kasi alam ang dahilan kung bakit siya galit kaya not now, gusto ko malaman yung totoo,” sagot ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/374582545-288-k138714.jpg)
YOU ARE READING
FM#2: Unexpected Marriage With The Man I hate
RomanceDianne Sarmientez grew up with her grandmother, believing her parents died when she was young. Her world turns upside down when she is kidnapped and wakes up in a wedding gown. As she walks down the aisle, she is shocked to see that the man she secr...