READ THE BOOK 1 FIRST BEFORE READING THIS!
**A/N:** This is a sequel to "I Forced Him to Marry Me." If you want to know more and read about their first meeting, you should read the Book 1 first.
Dianne’s Point of View
Three weeks later.
Ang daming nagbago sa buhay ng best friend ko, habang ang akin, ganun pa rin. Ikakasal na si Blaze ngayon—samantalang ako? Nandito pa rin, nag-iisa. Nakakatawa, ‘di ba?
Pareho na silang may kanya-kanyang buhay, habang ako… parang natengga sa nakaraan.
Hindi ko maiwasang maawa sa sarili ko. Awang-awa ako.
Pinunasan ko na lang ang luhang namuo sa mga mata ko. Wala akong karapatang umiyak o magdrama. Ako rin naman ang may kasalanan kung bakit hindi napigilan ang kasal ni Blaze.
At saka, I hate him. I really do!
Maraming dahilan kung bakit ayaw ko sa kanya. Yes, nahulog ako noon—dahil ang bait niya sa akin. Pero nagbago siya. Sobrang nagbago, na parang hindi na siya ‘yung batang Blaze na nakilala ko noon.
Hindi ko rin matiis ang ugali niya. We’re total opposites. Kung nameet ko kaya siya noong high school days namin, may magbabago kaya sa present?
Umiling na lang ako. Maybe it’s time to say goodbye to the past, Dianne.
Wala naman talaga kaming matibay na pinagsamahan, ‘di ba? Dahil lang ba sa isang pagkain na binigay niya noong bata kami, magugustuhan ko na siya? Tsk, ang cheap mo naman!
Huminga ako nang malalim bago lumabas ng condo. Sinigurado kong nakalock ang pinto—pero bago ko pa man tuluyang makalayo, biglang may mga lalaking nakasuot ng itim na suit ang lumapit sa akin.
Mabilis ang pangyayari. May nagtakip ng panyo sa bibig ko, at sa isang iglap, sumingaw ang isang masangsang na amoy.
Nagpumiglas ako, pero wala pang ilang segundo, unti-unti nang nagdidilim ang paningin ko… hanggang sa tuluyan akong mawalan ng malay.
____
Nang magising ako, gulat na gulat ako sa nakita ko. Nasa loob ako ng isang mamahaling kotse, at nang mapatingin ako sa rearview mirror—
"Shit!?"
Halos mapatalon ako sa pagkabigla.
Naka-wedding dress ako!?
Nanaginip ba ako!?
Napasampal ako sa sarili ko, umaasang magigising na lang bigla, pero hindi. Totoo ang nakikita ko.
Napakurap-kurap ako, sinusubukang intindihin ang nangyayari, pero bago pa ako makagalaw, biglang bumukas ang pinto ng kotse.
"Ate, maglakad ka na."
Isang estrangherong lalaki ang tumingin sa akin, para bang inaasahan niyang bababa ako.
Ate? SINONG ATE ANG TINATAWAG NIYA!? WALA NAMAN AKONG PAMILYA!
Nagpanting ang tenga ko. Teka—familiar siya! Siya ‘yung lalaking nakita ko sa condo ko nung isang gabi!
"ATE!?" gulat kong sigaw, pero bago pa ako makapagtanong, bigla na lang akong hinila palabas ng kotse.
GOSH!!! IKAKASAL AKO!? KANINO!?
Napalunok ako habang tumitingin sa paligid. Ang gara ng venue—sobrang eleganteng simbahan, punong-puno ng mga taong naka-pormal, at ang altar…
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko habang dahan-dahan akong naglalakad papunta roon. Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko nang makita ko kung sino ang groom.

YOU ARE READING
FM#2: Unexpected Marriage With The Man I hate {COMPLETED}
RomanceDianne Sarmientez grew up with her grandmother, believing her parents died when she was young. Her world turns upside down when she is kidnapped and wakes up in a wedding gown. As she walks down the aisle, she is shocked to see that the man she secr...