CHAPTER 27: Comfort

266 13 0
                                    

Nang makaalis na si Dark sa tali, hindi na siya nagdalawang-isip at mabilis na sinuntok si Fujin nang ubos-lakas.

"Ano? Hindi ka pa rin natatauhan!?" sigaw ni Dark habang nakatitig nang masama kay Fujin.

Napahawak si Fujin sa pumutok niyang labi at napangiwi sa sakit. Pero sa halip na lumaban, napaangat lang ang isang kamay niya na parang sumusuko na.

"Oo na! Susuko na ako!" sigaw niya, sabay isang hakbang palapit sa akin.

Mabilis naman akong itinago ni Blaze sa likuran niya, agad na protective mode ang gago. Pero bago pa ako makapag-react, kinuha lang ni Fujin ang baril mula sa kamay ko at, sa gulat ng lahat, basta na lang niya itong itinapon sa gilid.

"Ano bang ginagawa mo!?" singhal ni Blaze, nakaalerto pa rin na parang anytime ay magpapakawala ng suntok.

Fujin scoffed, tumingin sa amin na para bang siya ang pinaka-sawing tao sa mundo. "Ito? Hindi ko ito kailangan!" sigaw niya, sabay dampot ng isang malaking bato at walang pag-aalinlangan niyang hinampas ang baril hanggang sa madurog ito.

Napaatras ako nang bahagya, naguguluhan sa pinaggagagawa niya. Lumingon ako kay Dark at Blaze, pero sa gulat ko, nakangisi lang ang dalawa.

"Blaze."

Napatingin kaming lahat kay Wynter na kanina pa pala nakamasid sa amin. May kung anong lungkot sa mata niya habang nagsalita.

"Gusto kong umalis sa trabaho namin, pero hindi na pwede," aniya, halatang hirap sabihin ang susunod niyang sasabihin. "Papatayin nila kami kapag umalis kami."

Nanlamig ang pakiramdam ko sa sinabi niya. Ano bang klaseng grupo 'to?

Blaze crossed his arms, his expression darkening. "Kilala niyo ba kung sino ang nagpapagalaw sa inyo?"

Nagkatinginan sina Fujin at Wynter bago nagpalitan ng isang mabigat na tingin. Parang may alinlangan pa bago sumagot si Fujin.

"Dalawang babae... nasa mga thirties sila," sagot niya nang mabigat.

Halos sabay kaming napakunot-noo ni Blaze.

"Dalawang babae?" ulit ni Dark, halatang nag-iisip nang malalim. "May background ba kayo tungkol sa kanila?"

Wynter sighed, halatang nag-aalangan pa ring magsalita. Pero makikita sa mukha niya na wala na siyang ibang choice.

"Wala, pero ang alam ko... sila yung naguutos sa amin," sagot ni Wynter, halatang nag-iingat sa bawat salitang binibitawan. "Tsaka... isa lang ang alam ko—may hinuhukay sila. Hindi ko alam kung ano 'yon."

Biglang nanahimik ang paligid. Naramdaman ko ang pagbigat ng tension sa hangin.

Nagkatinginan kami ni Blaze, parehong may parehong tanong sa isip. Ano ang hinuhukay nila? At bakit?

"Paano kayo nakapasok sa Dark Veil?" tanong ni Blaze, ang boses niya ay malamig at puno ng analysis.

Wynter sighed, napatingin sa lupa bago bumaling sa amin. "Wala na kasi kaming makain. Wala rin kaming maisip na... matinong trabaho. Kaya nang makita namin silang nagrerecruit, hindi na kami nagdalawang-isip na sumama," sagot niya, halatang may bahid ng pagsisisi sa boses niya.

"Hay naku! Bakit hindi kayo lumapit sa amin!?" sigaw ni Dark, halatang frustrated.

Napatingin sina Fujin at Wynter sa isa’t isa, parang hindi alam kung paano sasagutin ang tanong.

"Natakot din kami..." halos pabulong na sagot ni Wynter. "Kasali kami dun sa serial killer case at... at nabaril ka pa ni Fujin." Nauutal siya, halatang hindi sigurado kung paano ipapaliwanag ang nangyari.

FM#2: Unexpected Marriage With The Man I hate {COMPLETED}Where stories live. Discover now