CHAPTER 20: Past

165 10 0
                                    

Tristan Point of view.

"Fuck!" sigaw ko habang nanginginig ang labi ko sa galit.

Hindi ko rin mapigilan yung luha ko kaya lumunok ako ng lumunok ng laway.

"Why... why is it my fault?" I ask, feeling confused and hurt.

My voice shakes a little.

"H-Hindi ko naman kasalanan na iniwan niya kami sa park. Fuck, I was just 3 years old while my Sister was 5!" sigaw ko.

Flashback

The day when the real Sofia, my sister, was kidnapped.

Naalala ko na iniwan kami ni Mom sa park. Hindi alam ni ate kung ano ang gagawin kasi bigla nalang nawala si Mom.

Akala namin ay iniwan na niya kami hanggang sa may biglang nagsabi sa amin na may alam daw sila kung nasaan si Mom.

Nung una ay hindi kami naniwalang dalawa hanggang sa pinipilit nung lalaki na sumama kami sa kaniya.

Natakot ako kaya tumakbo ako at tumakbo na rin si ate.

Dahil bata pa ako nun sobrang bagal kong tumakbo kaya tinago ako ni ate sa slide at sabi niya sa akin na "Hide here and don't come out okay?"

Tumango ako at sinunod yung utos niya. I was crying and confused what is happening tapos narinig ko ang sigaw niya.

"D-Don't come out!" sigaw ng ate ko at rinig ko ang yapak ng mga tao na malapit lang sa akin.

Hindi ko na masyadong matandaan yung nangyari pero isa lang ang alam ko.

She sacrificed herself to save me.

END OF FLASHBACK.

She sacrificed herself just to fucking save me!

"'S-Sorry" I said, my voice cracking and breaking.

I began to sob, the tears coming uncontrollably as I struggled to speak.

"A-Ako yung lalaki p-pero hindi kita naligtas."

Huminga ako ng malalim at napatakip ako ng mukha gamit ang dalawa kong kamay.

"But I promise, bibigyan kita ng hustisya. I will make sure na... na magbabayad sila."

Inalis ko yung kamay sa mukha ko at napatitig ako sa reflection ko sa salamin na nasa harap ko.

Pulang-pula na yung mata ko at basang-basa na rin yung mukha ko.

Bumuga muna ako ng hangin bago magsalita.

"They will pay for what they did to you, ate."

___

Dianne point of view.

Kinantahan na nila ako ng happy birthday at marami rin ang mga pagkain na nakahanda sa mesa.

Pero isa lang ang napansin ko, si Tristan at yung mom wala dito.

May nangyari ba sa kanilang dalawa?

Hindi ko nalang muna yun inisip at ngumiti pa rin para mapakita ko sa kanila na masaya ako.

"Happy birthday anak." sumikip ang dibdib ko nang marinig iyon galing kay Dad.

Hindi ako sanay na may tumatawag sa aking anak. Mas lalong hindi ako sanay na may bumabati sa aking tatay with matching "anak"

Gusto kong umiyak pero mas masaya ako.

Ayaw kong ipakita sa kanila na naiiyak ako.

"Thank you, Dad." sagot ko.

FM#2: Unexpected Marriage With The Man I hateWhere stories live. Discover now