After umalis nung Friscia ay nagpunta kaming dalawa sa mall.
Ewan ko ba ang OA niya masyado, gusto niyang bumili ng bagong top.
"Kailangan mo ba talaga bumili ng bago huh!?" pasigaw na tanong ko.
Nakatingin yung ibang saleslady sa amin eh paano ba naman kasi nakaposas pa rin yung kamay namin hanggang ngayon.
"Yeah, amoy alak na ako." saad niya lang.
"Ang OA mo ha!" sigaw ko.
"Smell it!" sigaw niya kasabay ng paghawak sa polo niya para ipaamoy sa akin.
"Amoy walang hiya." biro ko nang maamoy ko siya.
"Ikaw amoy lupa."
"Ahh lumalaban kana ngayon? Ikaw amoy tae!" sigaw ko.
"How dare you!" parang naooffend niyang sigaw.
"Dare me!" sigaw ko pabalik kaya napatawa ko naman siya.
Natawa nalang din ako.
Minsan nagmumukha na kaming mga bata kapag magkasama, minsan parang aso't pusa pero ganun na talaga kami eh.
"Help me pick one." saad niya at kinuha yung red polo and black polo.
Walang difference kasi puro plain! Color lang yung nagbago.
Napangiti ako ng nakakaloko nang may makita akong leopard print na polo. Kinuha ko agad iyon at inilahad sa kaniya.
"Ito, bagay sa'yo 'to."
"What the heck!?" gulat na gulat niyang saad nang makita iyon.
"Ang OA mo talaga! Maganda naman huh!"
"Para akong boss ng drug dealers diyan!" sigaw niya.
Natawa naman ako sa sinigaw niya.
"Mukha ka namang adik kaya bagay lanv sa’yo 'yan!" sigaw ko pabalik.
"Shut up!" naiinis niyang saad parang nagtatampong kinuha yung polo na binigay ko.
"Itry mo kasi, puro ka reklamo." saad ko at hinila siya papuntang fitting room.
Nang malapit na kami ay pumasok na siya. Napasok pa sa loob nung curtains yung kamay ko kasi nga nakaposas kami.
Nagagalaw naman yung kamay ko sa tuwing iniangat niya yung kamay niya para alisin yung polo niya.
Ilang minuto pa ang tinagal nun at natapos din siya.
Nang lumabas na siya ay parang nagslowmo effect na naman.
Gosh akala ko magmumukha siyang kakaiba pero infairness bagay sa kaniya yung polo na kinuha ko.
"Natulala ka na naman sa kapogian ko."
Inalis ko nalang ang tingin ko sa kaniya.
"Feeling pogi eh mukha ka namang palaka."
"Talaga ba darling?" pangaasar niya pa.
Napakagat nalang ako ibabang labi para pigilan ang sarili kong mapangiti.
"Darling mo mukha mo!" sigaw ko.
"Oh tinawag mo akong darling, wala ng bawian yan huh? Touch move!"
Natawa naman ako sa reaksyon niya.
"Oh ano? Akala ko ba hindi mo bet yan?" tanong ko nang nauna na siyang maglakad sa akin.
"I think you like this one on me, so I'll get it and wear it for you."
Napangiti naman ako at nahila na niya ako. Buti nalang nakatalikod siya ngayon kung hindi edi makikita niyang napangiti ako dahil sa kaniya.
"Blaze." tawag ko sa pangalan niya kaya napahinto naman siya.
YOU ARE READING
FM#2: Unexpected Marriage With The Man I hate
RomanceDianne Sarmientez grew up with her grandmother, believing her parents died when she was young. Her world turns upside down when she is kidnapped and wakes up in a wedding gown. As she walks down the aisle, she is shocked to see that the man she secr...