CHAPTER 21: Kiss!?

332 12 0
                                    

"WHAT ON EARTH ARE YOU TWO DOING?!"

Shit! Napabangon ako agad galing sa pagkakaupo at na out of balance ako dahil sa kalasingan.

Buti nalang at nasalo ako ni Blaze. Ramdam na ramdam ko ang kamay niyang nakahawak sa baywang ko.

Nagkatitigan kami at kitang-kita ko ang galit niya at nakakunot pa yung noo niya na parang gigil na gigil at nanggigiit pa yung mata niya na parang gusto akong kainin ng buhay.

Hindi pa nga ako nakaayos ng tayo nang bigla niya akong hinila. Hindi ko alam kung saan kami papunta basta mabilis siyang naglakad habang kinakaladkad ako na para bang wala siyang pake kung magkadapa-dapa ako.

Halos tumakbo na ako para lang mahabol yung lakad niya hanggang sa napadpad kami sa malayo at may lights.

Hindi ko alam pero nagulat ako. Nakita ko naman yung mga polaroid na pictures ko at yung sa wedding namin ni blaze na nakasabit, at sa paligid ng mga yun ay may kumikislap na mga fairy lights.

Hindi ko in-expect 'to, kaya sobrang na-touch ako. Ang ganda ng setup—ang warm ng ambiance, kaya napangiti nalang ako at nilibot ko ang tngin doon.

"Ikaw ang may gawa nito?" tanong ko habang nakangiti pa rin.

Lasing ako pero hindi ganun kagrabe. Ngumingiti ako dahil sa saya at kilig at hindi dahil lasing ako.

"Sino pa ba? Ako lang naman yung asawa mo dito diba? Bakit gusto mo bang si Dark ang gumawa sa’yo nito? Sige tawagin ko si Dark."

Aalis na sana siya pero hinawakan ko siya sa braso para pigilan siya.

"Nagseselos ka na naman ba?" tanong ko habang siya nama'y hindi pa rin ako binabalingan ng tingin na para bang nagtatampo pa rin.

Huminga muna siya ng malalim bago ako nilingon.

Gusto ko nalang talaga matawa sa reaksyon niya ngayon. Para siyang batang inagawan ng laruan.

"He tried to kiss you, and you didn’t avoid it!"

Napanganga nalang ako sa gulat sa sinabi niya. Ang layo kaya nung mukha namin sa isa't isa tsaka ginawa lang ni Dark yun para paselosin ka.

"Hindi!" hindi niya naman ako pinatapos.

"Do you like him? Fuck! I don’t know why. Hindi ko alam kung bakit ako nagseselos. He’s my friend and you’re my wife. I know wala akong karapatan, pero hindi ko mapigilan."

Kumabog naman agad yung puso ko sa pagconfess niya. Napapapikit at dilat nalang ako at hindi ko alam ang gagawin ko.

Napatitig nalang ako sa mukha niya at hindi ko rin alam bakit hindi ko mapigilan yung puso ko.

Wala na akong ibang narinig kundi ang mabilis at malakas na pagtibok ng puso ko.

Parang gusto nitong kumawala mula sa dibdib ko—dugdugdugdugdug—hindi ko na alam kung dahil sa hiya, kaba, o… hindi. Ayoko nang tapusin ‘yung thought na ‘yon.

"Blaze."

Napatingin kaming dalawa nang marinig namin ang boses ni Dark sa likuran namin.

"Sorry, ginawa ko lang ‘yon para… para magselos ka. I didn’t mean to kiss her. I just wanted to tease you."

Napatingin ako kay Blaze, at doon ko lang napansin kung gaano siya ka-tense.

Nakakunot-noo siya, at ‘yung tingin niya kay Dark? Literal na death glare.

Parang kahit anong segundo, pwede siyang sumabog.

"Ah, sige, aalis na ako. Nakakaabala na ata ako sa moment niyo," paalis na sana si Dark pero napahinto siya nang magsalita si Blaze.

FM#2: Unexpected Marriage With The Man I hate {COMPLETED}Where stories live. Discover now