CHAPTER 16: Magkatabi.

190 12 0
                                    


Mabilis siyang bumaba sa big bike niya at tinignan ako. Yumuko pa siya para magkaface to face kami.

"Hindi ako umiiyak, masaya ako." saad ko at peke na ngumiti kasabay ng pagpunas ko sa mukha kong basang-basa.

"Umiiyak ka ba dahil kanina?" tanong niya kaya umiling lang ako.

"Eh ano!? Anong rason bakit ka umiiyak? Tell me!" sigaw niya na parang nagaalala.

"Sorry, i'm just... worried about you."

His eyes softened, and his voice became calm.

Hinawakan niya ang mukha ko gamit ang dalawa niyang kamay na may gloves. He gently punas my face and he looks worried.

"May pangarap ba ako?" naiiyak na tanong ko habang yung boses ko ay nanginginig.

May namumuong luha na naman sa mga mata ko at hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko.

Sadyang napapatanong nalang ako kung may pangarap pa ba talaga ako!?

"Bakit mo naman 'yan natanong?"

"Hindi ko na kasi alam," humikbi na ako at ang luha kong pinipigilan kanina pa ay bumuhos na na parang ulan na nag-unahan.

Ang boses ko'y nanginginig, at nahihirapan akong huminga ng maayos. Hikbi lang ang tanging lumalabas sa bibig ko.

Lumunok muna ako ng laway bago magsalita ulit.

"Ano nga ba yung pangarap ko?" tanong ko na parang nageecho sa tainga ko.

Ang sakit.

Nadurog ako habang binubuo ko yung buhay na meron ako.

Ang dami kong sinakripisyo para lang mabuhay ako sa putanginang mundo 'to!

Napapagod din ako, napagod din ako. Sa sobrang focus ko sa pagbuhay ng sarili ko... hindi ko iniisip yung pangarap ko.

"H-Hindi ko na alam!" my voice cracked.

"You have, hahanapin natin yung pangarap mo." saad niya.

Nanginginig lang yung bibig ko at ayaw talagang huminto nung mga luha ko.

"Ang dami kong pangarap dati... p-pero... pero naisantabi ko 'yon kasi putangina! K-Kailangan kong kumayod para sa sarili ko." humihikbi kong saad.

Napahinga muna ako ng malalim kasi ang sakit na ng puso ko na parang nahihirapan na akong huminga.

Shit na buhay 'to!

"Should I blame my parents kasi iniwan nila ako sa ere? Or should I blame myself kasi nabuhay ako?"

"No, don't blame yourself---"

"Hindi naman kasi ganun kadali yun eh! H-Hindi totoo na libre lang mangarap! Kasi once na nangarap ka ay kailangan mo ng malaking pera to pursue it." saad ko.

"So kapag mahirap ka, hindi ka pwedeng mangarap ng mataas. Alam mo kung bakit? Kasi hahadlang ang kahirapan sa mga pangarap mo." saad ko.

"Now you can dream. It's not too late, Dianne. Marami pang oras at tutulungan kita mahanap ang pangarap mo."

Tinanggal niya yung gloves sa mga kamay niya at pinunasan yung mukha kong basang-basa na sa luha.

"Hindi pa huli para mangarap ka. Hindi pa huli na ipakita mo sa kanila na may pangarap ka. It's not too late Dianne, you can start finding it now."

Napakagat nalang sa ibabang labi ko para pigilan yung sarili kong umiyak. Hindi ko alam pero ang comforting niya.

Hindi ko na napigilan yung sarili ko at niyakap ko na siya at doon ako umiyak ng umiyak.

FM#2: Unexpected Marriage With The Man I hateWhere stories live. Discover now