CHAPTER 19: Birthday Celebration

189 10 0
                                    

"WOW!" hindi makapaniwala kong sabi at napatakip agad ang kamay ko sa bibig ko.

First time kong masurprise. I mean it's not first time kasi si Anastasia palagi naming nacecelebrate yung birthday ko pero yung ganitong set up hindi ko talaga inaakala na may pa surprise sila para sa akin.

Akala ko normal na day lang ito para sa akin pero gosh! May pa ganito pala!?

Kaya gulat na gulat ako kasi hindi ko talaga inaakala na may mangyayari na ganito.

"Actually, si Blaze ang nagpasimuno nito. Sana nasurprise ka namin." Dark

Kaya pala busy siya kakalikot kanina sa cellphone niya! Ito lang pala ang kinabusyhan niya?

Tsaka ito ba ang rason bakit niya ako pinosasan?

"Thank you! Hindi ko talaga alam na may paganito kayo." saad ko.

"Blow your candle na, I know bukas pa pero kasi may importante tayong gagawin bukas kaya ngayon kana namin sinurprise." sagot ni Anastasia.

"Ano yun?" tanong ko.

Napatingin lang silang lahat kay Blaze kaya nilingon ko na rin siya.

Ano na naman kaya ang pinaplano niya?

"Beach Vacation." nalaglag naman na literal yung panga ko.

"Ano!? WAAHHH! MAGBABAKASYON TAYO!? AGHHH!" sigaw ko.

Super duper excited na talaga ako. Sobrang nakakatuwa hindi ko kasi 'to na feel dati.

First time ko magbakasyon na marami ang kasama kasi nagiisa lang naman ang bestfriend ko. Iyon ay si Anastasia.

"Yeah, kasama parents mo at sila, mga friends natin." sagot ni Blaze.

Hindi nalang matanggal yung ngiti ko sa labi at napawish muna bago ko binlow yung candle sa cake at kinuha ko na rin yung bigay na flower ni Blaze at nilagay na rin ni Dark yung hat na dala-dala niya.

"Thank you so much. You all made my birthday so special and memorable," I said, tears welling up in my eyes.

"Uy walang iiyak." nakangiti lang na sabi sa akin ng bestfriend ko pero I can't.

Ang saya ko ngayon na parang maiiyak ako sa sobrang saya.

"Sobrang saya ko, hindi mapigilan yung luha ko." parang bata kong sabi at tumulo na nga yung luha sa mga mata ko.

"Hindi ka namin sinurpresa para umiyak ka ha." pangaasar ni Dark sa akin.

Mabilis namang kumuha ng tissue si Trevior at binigay sa akin. Nakaposas pa rin kami ngayon ni Blaze kaya hindi siya makagalaw.

"Iyakin." asar lang sa akin ni Blaze kaya hinampas ko siya sa chest niya.

Kinuha niya na rin yung susi nung posas at inalis ito.

"Huwag ka ng umiyak hindi bagay sa'yo." Pangaasar pa rin ni Blaze.

Pero hindi ko kaya talaga ang saya ko. Niyakap ko agad si Blaze dahil sa sobrang saya at niyakap ko na rin sila Anastasia at si Dark syempre si Trevior na rin.

"Thank you so much guys. Akala ko magbibirthday lang ako ulit ng normal." napangiti lang ako ng mapakla.

Hindi ko alam napakamixed ng emotions ko ngayon. Masaya ako kasi may pa surprise sila sa akin pero nalulungkot ako kasi...

Kasi ang tagal kong hinangad 'to.

Bata pa lang ako gusto ko ng masurprise ng ganito. Ayaw ko umiyak kasi hindi bagay sa akin.

Pero naiiyak talaga ako.

Acting strong pero naiiyak kapag may nageffort para sa akin.

Naiiyak ako kapag naalala ko yung dati na malaki ang kinaibahan sa ngayon.

FM#2: Unexpected Marriage With The Man I hateWhere stories live. Discover now