CHAPTER 17: POSAS!?

305 13 0
                                    

Dianne Point of view.

Magkasama na kami ni Blaze pumasok hindi ko alam pero nandito siya sa loob ng kompanya ni Dad. Siguro may gagawin siya o ano hindi ko alam.

"Blaze!"

Pumangit agad ang expression ko nang makita si Friscia.

Agad niyang pinulupot yung kamay niya sa braso ni Blaze kaya nakatingin lang ako doon sa kamay nila.

Sinubukan pang alisin yun ni Blaze nang makita akong nakatingin ng masama sa kaniya.

Hindi na ako nagpaalam at nauna nang pumasok sa elevator.

Sakto naman na kasabay ko yung sekretarya ko. Mabilis ko yung pinindot yung close at hindi na nakapasok sila Blaze.

"Madam, ano na?" feeling close 'to masyado.

"Ang ano?" tanong ko.

"Diba sabi mo hindi babae ni sir Blaze ‘yon so bakit hinayaan mo lang? Kaya may chismis na ganun eh hindi kasi kayo masyado nagkakasama."

Napacross arms nalang ako habang nakatingin sa arrow ng elevator.

"Matagal na silang magkakilala?" tanong ko.

"Matagal na. Actually, nung wala ka pa palagi na talaga silang magkasama."

Napabuga nalang ako ng hangin.

"Bakit mo alam 'yan!?" sigaw ko.

"Ahh kasi sobrang famous kasi si Miss Friscia at nalilink siya lagi kay Blaze. Gulat na gulat nga yung tao nang malaman na married na si Blaze sa'yo."

"Ano!?" gulat na tanong ko.

"May mas worst pa, nahate ka pa ng shipper nila."

Nalaglag naman ang panga ko.

"Bwesit yun ah, eh 'di hamak na mas maganda pa ako sa Friscia na ‘yon eh!" Sigaw ko.

Kasabay ng pagbukas ng elevator at nagulat naman ako nang pagbukas nun ay nasa harap ko na si Blaze.

Eh!? Anong ginagawa niya dito!?

"Bakit ka nandito!?" sigaw ko kaya napalingon lahat ng workers sa amin hays mga marites talaga.

"I will protect you, kaya nandito ako."

Napakunot naman ang noo ko nang makitang may dala siyang posas.

WAIT, POSAS!?

Mabilis niya ring kinuha yung kamay ko at pinosasan ako.

"HOY, TANGINA! GINAWA MO NAMAN AKONG KRIMINAL!" sigaw ko na tinawanan nung mga workers na nanonood sa amin.

Tinignan ko siya ng masama pero smirk lang ang tugon niya sa akin.

Ehh!?? Anong gagawin niya!?

Yung isa naman ay sinuot niya sa kamay niya kaya ngayon bali tigiisang kamay namin dalawa ay nakaposas na ngayon.

Itinaas niya yung kamay namin na may posas.

"From now on, you can't leave without me."

Nalaglag nalang talaga yung panga ko.

"Blaze!" rinig ko na naman na sigaw nung Friscia.

Kaya pala nandito na sila agad kasi mas nauna silang nakarating kaysa sa amin. May sumakay pa kasi kanina eh kaya natagalan!

"Ano?" tanong ni Blaze sa kaniya.

"What is that!?" tanong ni Friscia nang makita yung nakaposas na kamay namin.

FM#2: Unexpected Marriage With The Man I hateWhere stories live. Discover now