CHAPTER 9: Fujin and Wynter?

188 9 0
                                    

"Ate, ipapatay mo siya ulit?" tanong ni Adeline.

"Ano pa ba!? Kung buhay siya edi patayin ulit and I will make sure na hindi na siya mabubuhay pa!" sigaw ko.

Kailangan ko siyang patayin ulit. Silang dalawa ni Tristan! Tinry kong ipapatay si Tristan pero kahit kailan hindi siya namatay matay! Bantay sarado siya ng body guard ni kuya!

Simula kasi nung nakidnap ang oldest daughter niya ay may pinabantay na siya na mga tauhan sa isa niya pang anak.

Hindi ko kinakaya yung body guard nung Tristan na yun! Ayaw niya ring makipagsundo sa akin dahil parang aso na loyal na loyal kay kuya ang walang hiyang yun!

"Paano kapag nalaman ni kuya? Tsaka isa pa ate, marami na siyang tauhan! Marami ng bodyguard si kuya!" sigaw ni Adeline.

"Pwes marami rin ako! Federick! ilan na sila?" tanong ko.

"Isang libo po." sagot niya.

Hindi ko maiwasan ang matuwa. Isang libo laban sa benteng tauhan niya!

"Alam kong hindi ibibigay ni kuya kay Tristan lahat ng pamana. Kasi umaasa siyang buhay ang isa niya pang anak. At ngayon na nabuhay ito, alam na alam kong ibibigay niya lahat sa babaeng iyon!" sigaw ko.

"So anong plano mo?" tanong ni Adeline.

"Hanggang hindi pa natin nalalaman kung saan tinatago ni Kuya ang iba pa niyang pera ay hindi natin siya papatayin. Kaya una nating gagawin ay patayin ulit si Sofia---"

"Pagkatapos nun, isusunod natin ang walanghiyang Tristan na yun!" Sigaw ko.

"Madam, ipapakilala ko nga pala ang dadagdag sa aming grupo sina Wynter at Fujin nga po pala."

Nakita ko naman ang dalawang binatang lalaki, makikisig at mukhamg palaging nagygym

"Good! Gusto ko sila ang gumawa sa pinapagawa ko. Para matest natin kung kaya nga ba nila ang gawain ng dark viel." nakangisi kong saad.

___

Blaze Point of view.

Nang makita ko siyang tumawa at sumaya sa ginawa ko ay hindi ko maiwasan na mapangiti.

I deeply wish for her to find happiness despite the challenges she faces. My goal is to help her experience the joy that life has to offer. Even though she is incredibly strong, it's important for her to realize that she doesn't always need to put on a brave face. I want her to understand that it's perfectly okay to let her guard down, to shed tears, and to embrace her emotions. Romanticizing these feelings is a part of being human.

"Tangina! Kanina ka pa ha namumuro ka na. Isa! Ibalik mo yang sandal ko!" sigaw niya

"Diba isa sa mga rules mo ang layuan kita at hindi lapitan!?" sigaw ko rin pabalik habang may pangaasar na ngiti sa labi.

She's cute and a bit naughty.

"Oh sige, alisin ko na yung rules na yun. Just please! Bigay mo na sa akin yan!" sigaw niya.

Buti nalang hindi siya tumakbo ng mabilis. I know how mild her asthma is. I've also done research on how to manage it effectively so that she can be healthier than she is right now.

"Are you sure?" tanong ko na nangaasar pa.

"Oo na nga!" sigaw niya.

"So bati na ba tayo?" tanong ko habang palapit siya ng palapit sa akin habang ako naman ay naglakad ng paatras para hindi niya ako mahabol.

"Oo, sa panaginip mo! Akin na yan!" sigaw niya at tumakbo kaya ayun hindi ako nakatakbo kaya nakuha niya yung sandal niya.

Napailing-iling nalang ako habang nakangiti.

FM#2: Unexpected Marriage With The Man I hateWhere stories live. Discover now