CHAPTER 5: Mafia?

254 12 1
                                    

Hindi lang ako sumagot kaya naman nakatingin lang silang lahat sa akin.

''TITA!" rinig kong sigaw ni Tristan na kakarating lang.

Bigla niya akong tinago at siya ang humarap sa mga tinawag niyang tita.

"Tristan, we're here for your sister. We want to know if she’s our brother’s real daughter!" sigaw nung isa.

Paano na to, puro englishera!

"Tita, she’s very unstable right now, and she doesn’t remember anything. She was just 5 when we lost her, and I was 2. Even I don’t remember it anymore, so how could she?" sagot ni Tristan na para bang may pinoprotektahan na katotohanan.

Maniniwala ba talaga ako?

"Ang mabuti pa, gawin na natin yung DNA na nirequest ni Dianne so that both of you will believe it."

"Okay then, after 2-3 days babalik kami for result." sabi pa nung isa.

"Okay, pumasok na muna tayo."

Pumasok na kami sa loob ng mansion at kasama ko lang si Blaze. Hindi ko mapigilan na mapahawak sa braso niya, nanginginig kasi ang buo kong katawan sa kaba.

"Are you okay?" bulong niya sa may tainga ko. Napatingin lang ako sa kaniya at awkward na tumango.

Nakita ko na man ang isang doctor ata at may kinuha na siyang cotton at nakagloves pa siya at parang kukunan na ata ng laway si Dad.

Ewan bahala na, tatawagin ko nalang siyang Dad.

"Tristan." tawag nung isang tita at nakatingin lang sila sa akin ng masama.

"Ano po 'yon?" parang plastic na tanong ni Tristan.

Parang hindi talaga sila okay or magkasundo pero nagplastikan lang for Dad.

"I heard that you were the one who saw your sister. How can you be sure it's really her? I mean, after 20 years, you’ve just found her now. Don’t you wonder if you might have found someone else instead?"

Parang pinagtutulungan talaga ako nung dalawa na pasamain sa Dad ah. I mean okay lang naman sa akin if hindi ko talaga siya totoong tatay pero bakit parang ang apektado naman nila masyado.

"Ano ka ba, Franchezka? This is my daughter. She looks like Janice, my wife."

"Yeah, I can see it, but... but I don't want to believe it, kuya."

"Just shut up and let’s do the DNA test," Dad said.

"Ah, whatever," she replied.

After namin makuhaan ng laway or whatsoever na need for DNA ay nagsialisan na kami.

Si Blaze nauna nang lumabas ng mansion habang ako naman ay nagstay muna saglit at sinundan ng palihim yung Franchezka na hinihila si Triatan.

Napatago ako agad nang tumigil sila. Nakarinig naman ako agad ng sampal kaya napatakip ako sa bibig ko. Tama nga ako hindi sila okay nung nga tita.

"What is this!?" rinig kong sigaw nung isang tita.

"Ate ko siya kaya may karapatan siya dito sa mansion."

"I already told you! She died 20 years ago!" sigaw ni Tita Franchezka.

Napakunot agad ang noo ko.

"How can you be so sure, Tita? Because you killed her, huh!?"

Pangalawang sampal na naman para kay Tristan, grabe! Pero totoo ba na matagal ng patay ang ate niya? I mean, hindi ba ako yun? Aghh! hindi ko na alam!

"And if I did? May magagawa ka ba?"

FM#2: Unexpected Marriage With The Man I hateWhere stories live. Discover now