Dianne Point of view.
Kinuha ko na muna ang mga binili namin ni Blaze na nandito na sa loob ng bahay. Dinala niya ata ito kanina nung naghiwalay kami.
Napangiti naman ako nang makita ang binili kong dream catcher. Sana naman makatulong ito para makatulog na ng maayos ang gago.
Syempre para makatulog na rin ako ng mahimbing ano! Katamad kaya magpabangon-bangon!
"What's that?"
"Ay palaka na naman!" pangaasar na gulat ko kahit hindi naman ako nagulat.
Nang makita ko siyang naasar ay tumawa nalang ako. Anyari dito? Bakit parang serious mode niya masyado.
"Hindi ba obvious? Duhh." mataray na saad ko at hinatak ang upuan na nasa kusina papunta sa pintuan.
Syempre isasabit ko 'to dream catcher, alangan naman si Blaze isabit ko dito eh hindi naman siya lucky charm.
Independent woman tayo ngayon kaya inapakan ko na yung upuan para maabot ko yung door at may sasabitan kasi doon.
Bwesit na height 'to! May inapakan na nga ako na upuan hindi ko pa rin maabot!
"Hey, be careful." saad nung moko at hindi ko lang siya pinansin.
Itinaas ko nalang yung paa ko para sana maabot na yun nang biglang gumalaw yung upuan buti nalang at mabilis na nakagalaw si Blaze at nasalo niya ako.
Napatingin lang ako sa mukha niya at nang marealize na ang nangyari ay tinulak ko na siya para bumalik sa pwesto ko.
Bwesit ayaw talaga maabot eh!
"Ako na nga." saad niya at inaabot yung dream catcher sa kamay ko pero ayaw kong ibigay iyon sa kaniya.
"Hey, I said let me!" sigaw niya habang nakahawak sa upuan na inaapakan ko.
"Ako na sabi eh, makinig ka nga sa asawa mo."
Napatigil nalang ako sa ginagawa ko, bwesit parang kumabog yung puso ko doon ah. Pero syempre dapat maangas pa rin.
"Oh ikaw na!" sigaw ko pabalik at tinapon yung dream catcher sa kaniya.
Umalis ako sa upuan at nagpalit kami ng posisyon.
Nagulat nalang ako nang mabilis niya lang itong nagawa.
Ang unfair naman talaga! Sobrang unfair!
After that ay umalis na siya sa upuan at ang gago nangaasar pa, edi ikaw na! Ikaw na yung matangkad!
"See, kung binigay mo sa akin yun edi kanina pa tayo tapos." pagmamayabang na niya naman.
"Kwento mo sa nanay mo!" sigaw ko.
Natawa ako ng palihim ng maoffend siya. Matagal nga palang patay nanay niya sana hindi siya maoffend dun. I didn't mean it naman eh.
"Alam mo ikaw--" hindi niya naman natapos ang sasabihin niya nang kumuha ako ng kutsilyo sa kusina.
Hindi ko alam anong ginagawa ko oo.
"Sige magreklamo ka at makakasama mo talaga nanay mo." pananakot ko kaya ayun tumahimik.
Ang yabang eh mukha naman siyang palaka! Na mgiging prince charming... Syempre joke lang! Ang maniwala bobo.
Natahimik na kaming dalawa kasi naligo na kami at everything. Kanina pa kami tapos magdinner kasama yung nga tita ko kuno.
Hindi ko na nakita pa si Blaze kaya lumabas muna ako sa bahay para sana magpahangin pero iba yung nalanghap ko.
Bwesit! Nagsisigarilyo pala siya!?
YOU ARE READING
FM#2: Unexpected Marriage With The Man I hate
RomanceDianne Sarmientez grew up with her grandmother, believing her parents died when she was young. Her world turns upside down when she is kidnapped and wakes up in a wedding gown. As she walks down the aisle, she is shocked to see that the man she secr...