CHAPTER 26: Fujin and Blaze past

192 10 0
                                    

The tears just flowed again, at wala akong magawa kundi hayaan na lang sila.

"Sorry, i'm late. I'm really sorry."

Hindi lang ako sumagot dahil ang bigat sa pakiramdam. Kanina ko pa 'to iniinda, hindi ko alam kasi okay naman na ako pero parang bigla-bigla nalang akong nagiging malungkot.

Para akong pinaglalaruan ng sarili kong feelings.

Ayaw ko itong maramdaman pero hindi ko mapigilan.

"Blaze!?" sigaw ni Fujin gulat na gulat.

Napabitaw naman ako agad sa yakap nang makita si Fujin na tumayo.

"Tinawagan ko siya." sagot lang nung isang lalaki na kasama niya.

"ANO!?" sigaw ni Fujin na parang hindi makapaniwala.

“You messed with the wrong woman. Now, you deal with me!” sigaw ni Blaze at mabilis na nilapitan si Fujin.

Mabilis niyang sinipa si Fujin kaya napatapon yung baril na nasa kamay nito at napaupo ito sa sahig.

Nakatayo lang ako while catching my breath at pinanood ko lang siya. Walang may balak sa amin na pakalmahin siya.

Dahil kahit ako natakot din sa kaniya, the tension in the air is suffocating.

Hindi ko siya nakitang ganito na parang galit na galit, ngayon lang.

His jaw was tight, his eyes cold, every step he took toward Fujin was filled with pure rage.

“Stand up,” he commanded, his voice low and lethal, and I shivered.

Hindi gumalaw si Fujin, pero bago pa siya makapag-react, narinig ko agad ang suntok ni Blaze, his fist connecting hard with Fujin’s jaw.

Napaurong siya, dugo agad na tumulo mula sa bibig ni Fujin.

But it wasn’t over. Not for him.

In an instant, hinila siya ni Blaze at itinapon ulit sa sahig, pinatungan, at hinawakan ng mahigpit.

Napayuko siya para makita ang mukha ni Fujin.

"I warned you. I warned you not to touch my woman. And now you're going to pay for every single tear you made her shed." he said, his voice a deadly whisper, at bumilis lalo ang tibok ng puso ko.

Para siyang hayok na hayok na sumuntok at punch after punch ang binibigay niya sa kay Fujin, parang hindi na siya mapipigilan.

Wala kang ibang maririnig kundi ang mga suntok nita na umeecho sa buong lugar.

Gusto kong lumapit, to pull him back, but I couldn’t move. Watching him, feeling his anger burning for me, I felt something else—I felt safe.

Napahinto siya saglit at huminga muna ng malalim, at akala ko ay tapos na, pero hindi pa pala.

Hinawakan niya ulit si Fujin, itinaas ang ulo nito, at tumingin nang diretso sa mga mata nito.

“She’s everything to me,”

“And you?”

Lumapit siya sa tainga ni Fujin, his breath heavy against Fujin’s ear.

“You’re nothing. Less than nothing.”

Nang tumayo siya, his knuckles bruised and bloody, his eyes softened the second he looked at me.

My heart skipped a beat, nang lumapit siya sa akin habang nakangiti.

Ang bilis magbago nung mga mata niya. Kanina lang ay galit na galit siya ngayon ay parang nagsoft na para bang gusto niyang ipakita sa akin na masaya siya.

FM#2: Unexpected Marriage With The Man I hateWhere stories live. Discover now