"Nagseselos ka eh wala ka namang karapatan ah!" sigaw ko.
"No I have karapatan because you're still my wife. Tsaka isa pa, ano nalang ang sasabihin ng iba kapag nakikita nilang may ganun na eksena kayong dalawa!?" sigaw niya.
"Eh bakit ba!?" sigaw ko rin.
"I'm just protecting your image! I don't want anyone to think that you're cheating on me behind my back!"
"Fine! Tsaka hindi naman talaga siya pinunta ko ron! It was my bestfriend Anastasia."
"I know, but you have to keep your distance from Dark-5 kilometers away from him!"
"Wow! Ang layo nun ah!" sigaw ko.
"Why, do you still want to approach him?" tanong niya.
Napahinga nalang muna ako ng malalim.
Bakit ba ako nakikipag-argue sa isang 'to!?
"'Okay fine, whatever you want!" sigaw ko at umupo nalang ulit sa swing.
Napansin ko pa nga na ang dami ng nakatingin sa amin.
"Fuck my mood is ruin!" sigaw niya at tinapon ang ice cream na binili niya.
"Bakit na naman!?" tanong ko.
"Wala lang." simpleng sagot niya.
"Ano bang gusto mong kainin huh!?" sigaw ko.
"Ikaw."
Nansilakihan naman ang mga mata ko, grabe ang straightforward niyang magsalita ah!
"W-What!?" utal na sigaw ko the fuck!?
Wala na ba siyang hiya!? Nasaan na yung Blaze na soft na kausap ko dun sa dagat!? Grabe ang bilis magbago ng mood niya paiba-iba ata mood niya kada araw ah
Kaya pala hindi ko siya magets kasi ganito siya.
"I mean... ikaw, anong gusto mong kainin?"
"Ah hahahaha!" awkward na tawa ko at napalingon nalang sa ibang direksyon putek ano bang iniisip ko!?
Tinignan niya naman yung relo niya at tumayo siya.
"Are you hungry?" tanong niya.
Umiling lang ako.
"Kumain na ako, ikaw ba? Tsaka kinain mo ba yung binigay ko?" tanong ko.
"Yeah." simpleng sagot niya.
"Masarap ba?" tanong ko.
"Tanong mo kay Dark." saad niya lang at iniwan ako.
Kunot-noo ko lang siyang sinundan ng tingin what the hell!? Hindi pa ba siya tapos diyan sa tampururut niyang 'yan!?
Kanina pa 'yan ah! Kung makaselos parang nireregla ah.
Hindi ko naman mapigilang mapangiti, ang cute niya magselos.
"Tatawagin ko pa ba si Dark para sumunod ka!?"
Nagulat naman ako nang bigla nalang siyang nasa harapan ko.
I saw how his forehead creased at napabuntong hininga nalang siya.
"Saan ka ba kasi pupunta!?" sigaw na tanong ko at inubos na yung ice cream ko.
"Ibibigay kita kay Dark, gusto mo 'yon?"
"Dark ka ng Dark diyan! Halika na bago pa magdark 'yang paningin mo pag sinuntok kita diyan!" sigaw ko at hinila ko na siya.
Ang bigat niya ah o sadyang ayaw niya lang talaga magpahila sa akin at ginagawa niya talaga 'to para mas bumigat siya!?
Napahinto ako at tinignan siya ng masama.
YOU ARE READING
FM#2: Unexpected Marriage With The Man I hate
RomanceDianne Sarmientez grew up with her grandmother, believing her parents died when she was young. Her world turns upside down when she is kidnapped and wakes up in a wedding gown. As she walks down the aisle, she is shocked to see that the man she secr...