CHAPTER 23: Tristan's pain and plan

78 2 0
                                    

"A-acting lang. N-Nageensayo lang kami." nangigiit pa yung mata niya na nakatingin sa akin na parang gusto niyang sabihin ko na totoo yung sinabi niya.

"AAGH~" daing ko nalang at napahawak na ako agad sa puso ko.

Hindi ako nagaacting, masakit talaga!

Nagsimula na akong humagulgol, hindi ko alam kung bakit pero ang sakit-sakit.

Ang sakit sa puso at parang kailangan ko siyang iiyak.

"Okay ka lang?!" sigaw ni Blaze.

"AAAAHHHH!" sigaw ko na naman habang humihikbi. Yung iyak ko may pagkashaky na rin dahil sa sakit.

Hindi ko alam pero ramdam na ramdam ko yung sakit sa puso ko. Parang pinipiga sa sobrang sakit.

Napapasuntok ako doon sa dibdib ko kasi putangina ang sakit at sikip-sikip nito na para bang hinaharangan nito ang paghinga ko.

Mabilis namang hinawakan ni Blaze yung kamay ko para hindi pigilan ako na suntukin yung dibdib ko.

"Fuck! BAKIT MO SIYA SINAKAL!?" sigaw ulit ni Blaze sa kaniya at niyakap na niya naman ako.

"Anong nangyayari dito?" napatingin ako agad kay Dad kasama si Tristan.

Parang hindi makapaniwala si Janice na parang kasalanan ko pa.

"Siya hon! Siya yung unang nangaway sa akin!"

binabaliktad pa talaga ako.

"WHAT!? INAAWAY MO ANG ANAK KO!?" sigaw ni Dad

Hikbi lang ang naging tugon ko. Hindi ko alam basta ang sakit lang sa puso.

Sa iyak ko nalang ilalabas lahat. Ayaw kong umiyak sa harap ng maraming tao pero hindi ko mapigilan.

Ang sakit.

Hindi ko alam kung bakit niya ginagawa 'to sa akin.

May kasalanan ba ako sa kaniya?

Ano ba ang nagawa kong mali?

Ano ba ang ginawa kong mali para magalit siya sa akin ng ganito!?

Nagulat naman ako nang biglang sinampal ni Dad si Janice ng malakas.

"Nanay ka ng mga anak ko! Sobrang dami ng pinagdaanan ng anak natin aawayin mo pa!?" sigaw ni Dad.

"Mom, what happened to you? Hindi ka ba masaya na nakita na natin si ate? Why?" gatong naman ni Tristan.

"No! I mean! Sorry! Sorry... h-hindi ko na alam yung ginagawa ko." natatarantang saad nito.

Nakita ko namang ngumisi si Tristan kaya napakunot nalang ang noo ko.

"Luhod." utos ni Dad sa kaniya.

Huminga ako ng malalim ng tatlong beses, ewan ko pero ang sakit talaga sa dibdib at ang sikip-sikip na parang may tumutusok doon.

"What?" tanong niya.

"LUHOD! LUMUHOD KA SA HARAP NG ANAK KO!" sigaw ni Dad at mabilis na lumuhod si Janice sa harap ko.

"APOLOGIZE TO HER, NOW!" sigaw ni Dad na ginawa rin agad nung Janice.

"S-Sorry." paghingi ng tawad nito.

Nang makita ko siyang nakaluhod sa harap ko ay hindi ko mapigilan ang titigan siya sa mata. Bakit nakikita ko yung sarili ko sa kaniya? Bakit kami magkahulma ng mukha?

Bakit kami magkapareho ng mata?

Bakit parang ang sakit?

Ramdam na ramdam ko ang pagtulo ng mga luha sa mga mata ko at wala itong tigil.

FM#2: Unexpected Marriage With The Man I hateWhere stories live. Discover now