Nandito ako sa loob ng kwarto at ayaw kong lumabas pero kailangan kasi nagugutom ako. Tapos na rin ako sa lahat ng gagawin, nakaligo na ako at nakabihis.
Nagulat nga ako at nandito na yung mga damit ko eh pero wala na akong time magulat pa kasi nagugutom na talaga ako. Yes hindi kasi ako kumain kanina instead na kumain ayun uminom ako ng alak.
"Why are you here?"
"Ay palaka!" gulat na sigaw ko kasi hindi ko alam na may tao pala sa sofa.
"Wow nagulat ka pa talaga." sagot niya ay oo nga pala, sabi niya kanina sa sofa siya matutulog.
"Eh nakakagulat naman kasi talaga 'yang pagmumukha mo." sagot ko.
"Do I look like palaka to you huh!?" sigaw niya sabay turo sa mukha niya.
"Oo mukha kang palaka." sagot ko.
Natahimik naman siya at ito ako tuloy-tuloy lang sa ginagawa. Binuksan ko yung ref namin at natuwa pa nga ako nang makita ang beef sa loob.
"Anong ginagawa mo?" tanong niya habang nanonood ng TV.
Lakas maka feel at home nung gago ah.
"Hindi ba obvious edi nagluluto!" sigaw ko.
Kumuha na ako ng mga gagamitin at hiniwa ko na yung beef na nakita ko.
"Marunong ka ba?" tanong niya.
Naalala ko naman yung mga oras na nagluto ako pero puro ito sunog. Hindi ako marunong kagaya ni Anastasia 'no, syempre wala namang nagturo sa akin.
Tsaka nakasurvive ako thanks to pancit canton at minsan mga sardinas nalang kinakain kasi masarap naman!
First time ko lang makaluto ng beef.
"Huwag ka nalang mangialam!" sigaw ko.
Nang matapos na ako sa paghihiwa ay pinaandar ko na yung stove at nahirapan pa nga ako sa pagpaandar nito pero napaandar ko naman.
Nagsimula na ako sa pagluto at okay naman. Iniwan ko lang ito saglit para kumuha ng salt pampalasa nang bigla akong may naamoy na parang sunog.
at nang makalingon ako sa niluluto ko shucks, sunog na!
Hindi ko kasi alam paano pahinaan yung apoy.
"SUSUNUGIN MO BA ANG BUONG BAHAY!?" rinig kong sigaw ni Blaze at siya na mismo ang pumatay nung niluto ko.
"Ehh kukuha lang sana ako ng salt." explain ko
"Paano makakain 'yan eh sunog yan!?" sigaw niya.
Aba malay ko!
"Ehh gutom na kasi ako, kumukulo na yung tiyan ko."
"Ako na nga, ikaw nalang manood ng TV diyan." sagot niya at tinake over yung kusina.
Gutom na talaga ako huhuhu baki ba kasi hindi ko naisipang kumain kanina!?
Ilang minuto lang ay natapos din siya sa ginagawa niya at sinerve niya 'yon.
Napangiti ako agad, yes! Finally makakain na ako. Nakangiti kong tinusok yung beef sa tinidor ko at kinain ko iyon ng buo.
Nang malasap ko iyon ay tinignan ko agad si Blaze na nakaupo sa harap ko.
"Walang lasa." reklamo ko at naduduwal dahil parang hilaw yung beef tapos ang langsa pa parang walang panlasang nilagay.
Nagulat naman ako nang nilahad niya yung kamay niya sa bibig ko at ready na saluhin yung kinain kong beef. Nahihiya tuloy ako, baka mabaho yung laway ko kaya nilunok ko nalang kahit walang lasa.
YOU ARE READING
FM#2: Unexpected Marriage With The Man I hate
RomansaDianne Sarmientez grew up with her grandmother, believing her parents died when she was young. Her world turns upside down when she is kidnapped and wakes up in a wedding gown. As she walks down the aisle, she is shocked to see that the man she secr...