Dark Point of view.
Kinabukasan.
Nagising na ako at gising na rin si Blaze. Lumabas ako agad sa bahay nila at nakita ko yung kaibigan ko na naglilinis ng kotse.
Wala siyang saplot pantaas kaya napatingin ako sa scar niya sa chest. Hindi ko rin alam kung ano ang nangyari diyan. Hindi niya rin sinasabi sa akin.
"Bro." tawag ko sa kaniya.
"Ano?" naiirita niyang tanong.
Kaaga-aga ang bad mood.
Nagalit ba siya sa sinabi ko kagabi?
"Nakita ko kagabi sila Fujin at Wynter, nasa labas ng gate niyo." saad ko.
Nakita ko pang nagulat ang kaibigan ko pero agad iyong nawala.
"Nakita na nila tayo." saad niya.
"Oo nga, pero hindi man lang sila lumapit sa atin na para bang may nagawa tayong mali sa kanila." saad ko at hindi lang nakasagot agad si Blaze sa sinabi ko.
So may nangyari pala talaga sa kanila? Ano?
"I need to protect her, I think siya na naman ang nasa panganib." saad niya.
"Ano ba kasi ang nangyari huh? At sino ba talaga 'yan si Dianne? Akala ko ba wala siyang parents at nakita mo siya sa bahay ampunan so bakit may mom and dad siya ng biglaan?"
"Long story but to make it short kinidnap daw siya nung bata at end up hindi na nakita tapos ayun 20 years later nakita nila." sagot niya.
"Yung nagkidnap sa kaniya, sino ba yun?" tanong ko.
Napataas naman ang kilay ni Blaze, ganiyan siya kapag nagiisip o may nalaman.
"Alamin natin. Mission mo 'yan kaya mo ba?" tanong niya.
Napangisi lang ako sabay hampas sa braso niya.
"Ako pa." mayabang na saad ko.
Nagulat naman ako nang bigla siyang may kinuha sa bulsa niya at binigay sa akin yung black card niya.
"You can buy everything you want, bumili ka na rin ng bahay mo basta huwag ka ng lalapit sa asawa ko. Do you understand!?"
Natawa naman ako sa reaksyon niya.
"Grabe ka naman sa akin! Hindi ko nga siya aagawin sa’yo ano ka ba! Pero kapag umiyak siya ewan ko nalang bro." Saad ko lang at kinuha ko agad yung card niya para kapag magbago yung isip niya at least nasa akin na yung card niya.
"Also, can you buy me a big bike?"
Napakunot naman ang noo ko sa inutos niya.
"Bakit? Hindi ka pa kuntento diyan sa kotse mong napakamahal!?" pilosopo kong turan.
"So that she won’t let you hop on! You could also buy one for yourself para hindi na kita kailangan pang ihatid." sagot niya
Ahh seloso ka nga pala.
"Wait lang ha! Bago ka kasi magselos bakuran mo muna hindi yung nauuna yang selos mo. Parang tanga ang tagal mo ng torpe, kaya ka laging nasasaktan eh!" sigaw ko kaya nakatanggap na naman ako ng batok.
"Nagagalit ka pa eh totoo naman! Isipin mo pre pangalawa na 'yan tapos ganun ka pa rin? Hindi ka magkakaroon ng jowa kung ganiyan ka." sagot ko.
"Kaya ka hindi nagustuhan ni Anastasia eh, diyan ka na nga!" saad ko at binangga pa siya sa balikat bago tuluyang umalis.
Dianne point of view.
Nagising ako at chineck ko agad ang oras sa relo ko. Gosh! Ang late na!
Lumabas ako agad sa kwarto at nakita ko naman na may nakahanda na pagkain sa mesa.
YOU ARE READING
FM#2: Unexpected Marriage With The Man I hate
RomanceDianne Sarmientez grew up with her grandmother, believing her parents died when she was young. Her world turns upside down when she is kidnapped and wakes up in a wedding gown. As she walks down the aisle, she is shocked to see that the man she secr...