CHAPTER 11: I'm jealous?

464 14 0
                                    

Dark Point of view.

Tinignan ko ang buong paligid at nakita ko nga sila Wynter at Fujin habang nakatingin kay Dianne.

Mabilis ko silang hinila para yumuko sa ilalim ng mesa, halos madapa na si Dianne sa bilis ng galaw ko.

Sakto namang may dumaan sa harap nila at hindi nila kami napansing nagtatago sa ilalim.

"Ara—" Sisigaw pa sana si Dianne pero napalakas yata ang hila ko sa buhok niya.

"Shh!" sabi ko sabay shh sign, sabay tingin sa kanya na parang nagsusumamo na huwag siyang mag-ingay.

Napangiwi siya habang hawak ang scalp niya. 

"Gago ka ba?!" bulong niyang gigil na gigil, pero dahil alam niyang delikado ang sitwasyon namin, hindi niya ako pinatulan—yet.

Nakayuko kaming umalis doon, parang mga kriminal na nagtatago matapos gumawa ng kalokohan. Buti nalang at hindi na sila nagreklamo kahit ang dami ko nang kasalanan sa kanila.

Nang makalayo na kami, pinatayo ko na sila at walang sabi-sabing hinawakan ang kamay nila.

"Takbo!" sigaw ko, sabay hatak sa kanila palabas ng hotel.

"Teka lang!" Humihingal na sigaw ni Dianne.

Tumigil ako at nakita kong may kinuha siya sa bag niya. Saglit akong natigilan nang makita kong inhaler pala iyon.

What?! May asthma siya? Bakit ngayon ko lang nalaman 'to?

"Sino ba kasi ang tinataguan mo, Dark, at sinama mo pa talaga kami sa kalokohan mo?!" sigaw ni Madam Anastasia habang hinahabol ang hininga niya.

"Sorry, madam," sagot ko habang nakangisi, pilit pinapakalma ang sitwasyon. 

"Kasi... utos ni Blaze na hindi papuntahin dito si Dianne."

"Bakit naman?!" tanong ni Anastasia, kunot-noo at halatang naiintriga.

"Basta," sagot ko, sabay peace sign.

Sinamaan nila ako ng tingin.

"Putang—Dark, gusto mo ba talagang mahimatay ako dito?!" singhal ni Dianne habang tinataas-taas ang inhaler niya, halatang nanggagalaiti sa galit.

"At gusto mo bang mahimatay din ako sa inis?! UBUSIN MO YANG 'BASTA' MO, DARK!!" sigaw ni Madam Anastasia.

Napaatras ako. Lagot.

Sino bang mas delikado? Yung tinatakbuhan namin o itong dalawang babae sa harap ko?!

Blaze point of view.

Napakunot agad ang noo ko nang tawagan na naman ako ni Dark.

"What?" wala sa mood kong sagot.

"Tangina! Asawa mo nandito sa hotel."

Napatayo ako agad sabay hampas sa mesa.

"Anong ginagawa niya diyan!?" sigaw ko.

I quickly grabbed my blazer and, with force, threw open the door to my office. The door swung wide.

"Hindi ko rin alam pero ang naconfirm ko ay parang si Dianne nga yung hinahanap nila."

I stopped dead in my tracks when I heard that.

What the hell is their mission? Dark Veil? What is this mafia group up to, and why are they dragging Wynter and Fujin into this? My mind raced with questions, each one more disturbing than the last.

"Don't let them see Dianne, and hide her! You need to hide too. Don't let them find either of you!"

"Okay, I will."

FM#2: Unexpected Marriage With The Man I hate {COMPLETED}Where stories live. Discover now