Dianne Point of view.
Nagising ako na pakiramdam ko'y parang binangungot ako buong gabi. Masakit ang ulo ko, tuyong-tuyo ang lalamunan, at ramdam ko ang bigat ng katawan ko. Napakurap-kurap ako bago unti-unting namulat ang mga mata ko—at doon ko lang napagtanto na nasa kama ako.
Shit.
Mabilis akong bumangon, pero halos matumba ako sa hilo. Napakapit pa ako sa gilid ng kama bago nagmadaling lumabas ng kwarto. Dumiretso ako sa kusina, at doon ko siya nakita—si Blaze, nakatayo sa harap ng stove, walang suot na pang-itaas, tanging pajama lang ang suot niya habang nagluluto. Ang cellphone niya ay nasa counter, at kahit pa hininaan niya ang volume, rinig ko ang YouTube tutorial na pinapanood niya.
Parang gusto kong magpanic pero hindi ko alam kung bakit.
"Anong nangyari kagabi!?" tanong ko agad, hindi na nagpaligoy-ligoy pa. Ang huling naaalala ko lang ay nag-aaway kami sa kotse. Pagkatapos nun, blanko na.
Napalingon siya sa akin at tinaasan ako ng kilay.
"Nage-expect ka bang may nangyari sa atin?"
Muntik na akong mabilaukan sa sariling laway. Iba yung dating ng tanong niya, lalo na't malamlam ang boses niya na parang may kung anong subtext.
"Hindi!" agad kong tanggi.
"Look, lasing na lasing ako kagabi, at kung ano man yung ginawa o sinabi ko—hindi ko sinasadya. Hindi iyon totoo, at siguro dahil lang yun sa kalasingan."
Napansin kong napatigil siya sa ginagawa niya. Tahimik lang siyang nakatingin sa iniikot niyang itlog sa kawali.
Shit.
Bakit parang mas lalo akong kinakabahan?
"Hindi totoo?" ulit niya, marahang tumango-tango bago pinatay ang stove. Kinuha niya ang plato at nilagay roon ang niluto niya. Pero hindi siya nagsalita agad.
"B-Blaze?" nilunok ko ang kaba ko.
"Ano bang nangyari?"
___
Blaze's Point of View
"Look, lasing na lasing ako kagabi, at kung ano man yung ginawa o sinabi ko—hindi ko sinasadya. Hindi iyon totoo, at siguro dahil lang yun sa kalasingan."
Napatigil ako sa ginagawa ko.
She didn't mean it? It's not true?
Napakuyom ang kamao ko habang nakatitig sa iniinit kong kawali. May kung anong kirot sa loob ko na hindi ko maintindihan. Bakit parang ang sakit pakinggan? Bakit parang may kung anong bumigat sa dibdib ko sa sinabi niya?
Mabilis kong tinapik ang sarili ko sa pisngi, pilit pinapakalma ang sarili. Hindi ako dapat mag-expect. Hindi dapat.
Pero bakit hindi ko kayang palampasin?
Flashback
"I LIKE YOU, BLAZE!" sigaw niya, dahilan para matulala ako.
Akala ko nagkamali lang ako ng dinig, pero nang makita ko ang namumulang pisngi niya, ang magulo niyang buhok, at ang panggigigil sa mga mata niya habang nakaturo sa akin gamit ang daliri niya—doon ko lang napagtanto na seryoso siya.
"Hinintay kita kasi gustong-gusto kita!" sigaw niya ulit, mas malakas pa ngayon.
Para akong napako sa kinatatayuan ko. Para akong tinamaan ng kulog sa kalagitnaan ng ulan.
Pero hindi natapos doon.
"Pero nung nakita kita, ang laki ng pinagbago mo. Hindi na ikaw yung Blaze na kilala ko, sobrang dark na ng aura mo! Sobrang dami mo ng sikreto and I don't like it!"

YOU ARE READING
FM#2: Unexpected Marriage With The Man I hate {COMPLETED}
RomanceDianne Sarmientez grew up with her grandmother, believing her parents died when she was young. Her world turns upside down when she is kidnapped and wakes up in a wedding gown. As she walks down the aisle, she is shocked to see that the man she secr...