Madz POV
December 31 - Last Day of the Year
"MJ!" agad kong hinanap iyong tumawag sa aking pangalan at nakita nga si Tito Allan na kumakaway, nilapitan ko naman ito.
"Bless po Tito, kayo lang po ba?" tanong ko ang alam ko kasi kasama si Nikki pero mukhang si Tito lang nga ang sumundo sa akin ngayon dito sa airport.
"Oo anak ako lang, busy sila sa bahay iyan lang ba ang dala mo?" pagtukoy niya sa dala ko na isang duffel bag na nakasabit sa balikat ko.
"Opo Tito, babyahe din naman agad ako sa makalawa"
"Ang bilis lang pala ng bakasyon mo kailangan pala sulitin, tara na doon ako nagpark"
"Kaya nga po eh mabuti na rin atleast nakauwi kaysa hindi baka magtampo na si Mama at Nikki sa akin"
"Sinabi mo pa"
10:30am na ng umaga mabuti na lang at nakabook pa ko ng flight pauwi dito sa Pampanga. Halos nagsiuwian din kaming lahat ng mga kasama ko, ganoon din sina Gene at JR.
Nagsimula na kaming bumyahe ni Tito Allan, medyo traffic nga dahil halos bumabyahe pauwi ang mga tao sa kanikanilang mga probinsya para magdiwang sa pagsalubong ng Bagong Taon.
Nagupdate naman ako kay Audrey na nakadating na ko dito sa Pampanga. Nakauwi din siya sa kanila sa Cebu, kagabi naman siya bumiyahe. Namimiss ko na nga siya huling pagkikita namin noong December 26, kasi hinatid nila kaming tatlo sa airport pabalik na ng Mindanao.
Hindi ko alam kung kailan kami ulit magkikita, basta baon ko naman ang masasayang alaala na nangyari noong mga nakaraang araw.
Makalipas ang dalawang oras nakadating na kami sa bahay. Sinalubong naman ako ng mga kapit bahay namin na kahit abala sa paglilinis at pagaayos ay binati pa din ako.
"MJ anak!" masayang tawag ni Mama at nilapitan ako tsaka niyakap
"Ma Happy New Year po" bati ko at yumakap din
"Mabuti naman at nakauwi ka namiss kita anak, nagugutom ka na ba? Nakaluto naman na ko tara na sa loob" sabi niya pagkalas sa yakap
"Natraffic nga po kami ni Tito, si Nikki nasaan?"
"Nasa loob kanina ka pa hinihintay noon"
"Eh bakit hindi sumama kay Tito para magsundo"
Pagpasok ko nga sa loob ng bahay ay sinalubong ako ni Nikki.
"Bro I missed you! Welcome home" sabi nito at yumakap sa akin
"Bakit di ka sumama manundo ha?"
"Busy dito sa bahay alam mo na"
Ginulo ko naman ang buhok nito at pinisil ang pisnge "MJ naman eh asan na regalo mo sa akin"
"Wala kasi hindi mo ko sinundo"
"Ate Madz!"
Napatingin ako sa tumawag at nanlaki iyong mata ko ng makita si Adie na tumatakbo mula sa kusina.
"Adie?!" takang tanong ko lumapit ito sa akin at niyakap ako
Napatingin naman ako kay Mama at Nikki na nagtinginan tapos umiling.
"Adie"
Lumabas naman sila Tita Blessy at Dad ni Audrey na nandito din.
Anong nangyayari? Totoo ba to?
Nakarinig ako ng mga yabag ng paa na pababa mula sa hagdanan namin at nanlaki ang mata ko ng bumungad si Audrey.
"Hi Love" nakangiting bati nito
YOU ARE READING
Safe Haven (MIKHAIAH)
RomanceLove comes in unexpected time and in unexpected way. When Doc A meets the Lieutenant, what are the chances na magwork at hindi iyong relationship nila. Handa din bang ipaglaban ni Lieutenant ang kaniyang pagibig gaya ng pakikipaglaban niya bilang is...