Chapter 20

430 19 0
                                    

Audrey's POV

"Mary mauna na ako ah kanina pa naghihintay si Madz sa labas, basta tawagan mo na lang ako incase may emergency para makabalik ako agad."

"No problem Doc huwag mo na muna isipin iyon, enjoyin mo na muna date niyo ni Madz" nakangiting sagot niya at tinulak na ko palabas ng ER

"Sige thank you"

May dinner date kasi kami ni Madz ngayon late na nga ako ng isang oras dahil kakatapos lang din ng operation ko sa isang patient. Umuwi kasi si Shane sa kanila last week dahil nagkaroon ng emergency sa family niya. Bukas pa lang siya makakabalik kaya medyo pagod ako nitong mga nakaraang araw, may ibang General surgeon din naman ang nakaduty pero dahil nga shifting kami minsan hirap pa rin lalo na pag madaming patients.

Pagkalabas ko ng ospital ay nakatayo naman si Madz sa tabi ng sasakyan niya habang hinihintay ako.

"Hi Love I'm sorry halos kakatapos lang ng operation ko" bati ko kay Madz at humalik sa pisnge niya paglapit ko

"Hi Love its okay ano ka ba alam ko naman na very busy ka sabi ko naman sa iyo pwede naman natin ireschedule na lang to--"

"Hindi pwede sobrang busy ko na nga these past few days tapos hindi pa tayo magcecelebrate ng monthsary natin"

Kinuha naman niya iyong isa kong kamay at hinalikan ito. "Sabi ko nga tara na baka gutom na ang doktora ko"

Pinagbuksan niya ko ng sasakyan at sumakay na sa may passenger seat.

"Seatbelt love" paalala niya pagkasakay niya sa may driver seat

Tumango naman ako at nilagay na ito.

"Motor sana dadalhin ko para nakayakap ka sa akin, kaso naisip ko para makapahinga ka sa byahe kaya eto na lang"

Natawa naman ako sa sinabi niya "Ganoon ba love, next time iyon na lang gamitin natin"

Nagumpisa na nga siya magmaneho.

Nilabas ko naman iyong makeup kit ko para magayos, hindi na nga ako nakapagayos kanina sa pagmamadali.

Pasulyap-sulyap naman siya sa akin habang nagaayos ako.

"Ang haggard ko na love ang lalim na ng eyebags ko"

"Saan banda iyong haggard diyan?"

"Eto oh" pagtuturo ko sa mukha ko, tinawanan naman niya ako.

"Sobrang gandang haggard naman ng mukha na iyan" kinuha niya iyong isa kong kamay at hinalikan ito, nakaramdam naman ako ng kilig sa ginawa niya kahit napakasimple lamang nito.

"Thank you love, sige na focus ka na muna sa pagdadrive"

"Idlip ka muna love medyo matagal pa naman byahe, gisingin na lang kita pag nandoon na tayo"

"Ok sige tapusin ko lang to"

Simpleng makeup nga lang ang nilagay ko dahil gabi na rin naman pagkatapos ay pinusod ko na lamang ang buhok ko.

Umidlip nga muna ako para kahit papaano ay madagdagan ng energy dahil halos buong araw ngang gamit na gamit ito. Kundi lamang importanteng araw sa amin tong araw na to ay papayag nga akong ipagpaliban muna ang date namin, pero dahil nga magdidiwang kami ng second monthsary namin at kailangan ko din bumawi sa kaniya dahil bihira na din kami magkasama nitong mga nakaraan.

Minsan lang tumugma ang mga schedule namin, kapag siya ang busy ako naman ang hindi, tapos kapag ako naman ang busy siya naman ang pwede. May time na sumilip siya saglit sa apartment bago ako matulog para lang magkita kami dahil nga kakadating lang din niya noon galing sa ibang lugar.

Safe Haven (MIKHAIAH)Where stories live. Discover now