Chapter 32

506 23 21
                                    

After 5 years ...

Audrey's POV

"Good job everyone, thank you for your hardwork"

"Salamat po Doc"

"Thank you po Doc"

"Ingat po Doc"

Nakasurvived sa last operation ngayong araw. Lumabas na ko ng operating room at dumiretso na sa office ko.

"Hi Doc A, sa wakas naman tapos ka na kanina pa ko gutom" bungad ni Shane pagkapasok ko.

"Sorry dapat nauna ka na pala"

"Eh nakakahiya naman libre mo na nga to tapos di pa tayo sabay kakain"

Natawa naman ako at tumabi na sa kaniya.

"Ok let's eat na" sabi ko

Nagsimula na nga niyang buksan iyong mga container ng food na inorder namin.

"Thank you sa libre Doc A"

"Last na iyan abuso ka na Doc Shee"

Nagsimula na nga kaming kumain, meryenda at early dinner na nga ito dahil mag6pm na din naman.

"Doc A iyong birthday ni Gene ha makakapunta ka naman diba?"

"Saan nga?"

"Sa Elyu doon sa resort nila kung saan natin sila unang nakita ni Madz, ay sorry" agad niyang tinakpan iyong bibig niya dahil nagulat siya sa nasabi niya.

"Ah okay doon pala"

"Doc A pumunta ka, weekends iyon. Uuwi naman si Stella pati sina Doc C at Mary"

"Sige titignan ko"

"Nako magtatampo ako sa iyo pag di ka pumunta"

"Luh ikaw ba may birthday?"

"Basta kahit isama mo na din anak mo pati si Aki"

"Isasama ko talaga sila"

"Ayun naman pala ohmygosh naeexcite naman ako Doc A, after three years mabubuo na tayo ulit"

Napainom ako ng tubig at napaisip nga na sobrang tagal na din pala simula ng magkahiwahiwalay kami.

Sa lumipas na limang taon napakadaming nagbago at nangyari sa mga buhay namin. Hindi naging madali noong mga unang taon simula ng magising ako sa ospital, matapos ko mabasa iyong liham ni Madz kung saan halos gumuho ang mundo ko. Nahirapan akong intindihin kung bakit humantong pa sa ganoon ang mga pangyayari pero sadyang mapaglaro talaga ang tadhana at naging biktima kami nito.

Sa liham na inabot sa akin ni Gene ng araw na iyon ay nakasaad ang mga mensahe ni Madz kung saan patungkol sa pagmamahal, pagiwan at pagpaparaya niya sa akin.

====
'Love,

Masaya ako na gising ka na, salamat kasi hindi ka bumitaw. Gusto ko ulit humingi ng tawad kasi pinahamak ko iyong buhay mo. Audrey mahal na mahal kita at hindi ko hahayaan na mapahamak ka ulit, sana maintindihan mo ko. Love tatapusin ko muna iyong gulong pinasok ko at ayokong may madamay ulit na iba kaya puputulin ko na muna iyong ugnayan ko sa iyo, sa inyo at pati sa pamilya ko kasi maaari nila kayong gamitin laban sa akin. Love hindi ko alam kung kailan ako makakabalik pero kung hindi mo na ko mahihintay, maiintindihan ko. Deserve mo maging masaya baka nga hindi ako ang tamang tao para sa iyo. Basta mahal na mahal kita at ang tanging hiling ko lang ay ang kaligtasan at kasiyahan mo.

-Captain Madz'

====

Simula noon hindi ko na siya nakita pa, at wala na din kaming naging balita sa kaniya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: 5 days ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Safe Haven (MIKHAIAH)Where stories live. Discover now