Audrey's POV
Dalawang buwan na ang nakakalipas simula ng makabalik kami sa Manila. Noong una ay nanibago pa nga kami dahil nga halos bago na din iyong mga makakasama namin at andami na din nagbago sa ospital. Isang linggo simula ng makabalik kami ay inayos na nga nila iyong pinangako nilang promotion at increase sa aming mga pinadala sa Mindanao.
Dalawang buwan na din kaming LDR ni Madz ganoon din sila Doc Shee at Gene pati na din sina JR at Stella. Kinakaya naman lagi naman kami naguusap sa calls, texts or videocalls. Medyo hirap lang kami magusap ni Madz simula last week kasi naging panggabi iyong shift ko. Naging magkaiba iyong oras namin dahil nga iyong araw ang oras ng pagtulog ko at sa gabi naman ang oras ng duty ko. Kapag patulog na ako ay siya naman ang papasok na sa trabaho, minsan nasusungitan ko siya kasi sobrang drain na drain ako kapag umuuwi na ng condo wala na kong energy makipagusap lalo na pag nauuwi pa sa misunderstanding iyong conversation namin. Pero lagi naman din kami nagbabati, normal lang siguro iyon. Sobrang busy namin pareho kaya hindi pa nagkakaroon ng chance na magkita ulit kami ng personal.
"Bye Doc ingat" pagpapaalam ni Stella nang maghiwalay kami sa parking
"Ingat Stella" sagot ko
6am na nga at kakatapos lang ng duty naming dalawa kaya naman pauwi na kami sa condo namin. Sina Doc Shee, Mary at Doc C mga day shift sila, nagkasakit kasi iyong GS na pangnight shift kaya ako muna ang pansamantalang pinalit tapos si Stella naman dinamayan na ko para daw may makasama ako.
Paglabas ko nga ng parking ay sumisilip na ang araw sa kalangitan. Para sa iba magsisimula na ang kanilang mga araw, habang kami na mga night shift ay tapos na at magpapahinga naman.
Nagdrive thru muna ako sa isang fast food para bumili ng breakfast at wala na kong energy magluto pagkauwi.
Pagkadating ko ng condo ay sakto namang tumatawag si Madz.
"Hi Love" bati ko at umupo na sa may dining area para magbreakfast na din."Good morning love, kakauwi mo lang?"
"Yes love, already eating my breakfast na dinner" sabi ko sabay pakita ng food ko
"Oh fast food again? Love hindi maganda iyan ah"
"I know pero mabilis kasi you know I'm so hungry na and wala ng energy to prepare breakfast tsaka hindi pa ko nakakapaggrocery"
"Hay kung nandiyan lang ako lagi kitang pagluluto, pero love hindi naman pwedeng ganiyan naman lagi masama iyong fast food lagi"
Eto na naman siya sa mga mini sermon niya na may point naman talaga, sa tuwing magvivideocall kasi kami parang laging natataon na galing sa fast food kinakain ko.
"Love stop na wala ka ng magagawa kumakain na ako, sobrang pagod ko lang today sobrang daming ginawa kanina. Ikaw kumain ka na ba?" may pagkasungit iyong sagot ko kaya parang nagseryoso mukha niya
YOU ARE READING
Safe Haven (MIKHAIAH)
RomanceLove comes in unexpected time and in unexpected way. When Doc A meets the Lieutenant, what are the chances na magwork at hindi iyong relationship nila. Handa din bang ipaglaban ni Lieutenant ang kaniyang pagibig gaya ng pakikipaglaban niya bilang is...