Madz POV
"Love nandito na tayo" paggising ko kay Audrey na mahimbing na natutulog kung saan nakasandal iyong ulo niya sa balikat ko habang nakayakap naman iyong isa kong kamay sa katawan niya.
Hinalikan ko naman siya sa pisnge ng maimulat niya ang kaniyang mga mata, napangiti naman agad ito.
"Parang kakapikit ko lang tapos nandito na agad tayo" sabi nito at inayos na ang sarili
"Excited ka na ba love?"
"Oo naman pero kinakabahan din ako kasi mamimeet ko na family mo"
"Bakit ka naman kakabahan"
"Siyempre first time namin makikita isa'tisa"
"Kahit sino naman ipakilala ko sa kanila tatanggapin nila kasi mahal ko"
"Bakit pang-ilan na ba kong pinakilala mo?"
"Ikaw pa lang love" tinaasan niya ko ng kilay
"Promise ikaw pa lang, nakukwento ko sa kanila iyong ex ko pero hindi umabot sa point na dinala ko sa amin, ikaw lang talaga Audrey at wala ng susunod pa" sabi ko at hinalikan iyong isa niyang kamay
"Ok naniniwala na ko, tignan natin pag sa Cebu naman tayo kung hindi ka din kakabahan"
Napakamot naman ako sa ulo, napagkasunduan kasi namin ni Audrey na hatiin iyong one week leave namin. Una sa Pampanga, kung saan tatlong araw kami roon pagkatapos ay sa Cebu naman kami tatlong araw din. Naiisip ko pa lang iyong pagkikita namin ng Dad niya kinakabahan na ako, kasi paano kung hindi ako magustuhan lalo na ako ang unang girlfriend ni Audrey dahil nga puro boyfriend ang past niya. Hay bahala na enjoyin ko muna dito sa Pampanga tsaka ko na iisipin pag papunta na kami sa Cebu.
Paglabas namin ng airport ay sinalubong kami ng kapatid ko kasama ang tito ko na siyang nagdadrive.
"Bro!" masayang bati nito at niyakap ako ng makalapit sa akin
"Nikki" tawag ko naman sa kapatid ko at niyakap din
"Tito Allan bless po" bati ko naman kay Tito at nagmano dito
"God bless MJ"
"Ah si Audrey nga pala girlfriend ko, love si Nikki kapatid ko tapos si Tito Allan kapatid ni Mama" pagpapakilala ko habang nakaakbay dito
"Hello po nice to meet you" nakangiting bati ni Audrey at kinamayan si Nikki habang nagmano naman kay Tito Allan
"Ang ganda naman pala ng girlfriend mo bro" sabi ni Nikki, ayaw ko kasing patawag na ate/kuya kaya bro ang tawag niya sa akin
"Siyempre" sagot ko
"Ilagay ko na mga gamit niyo sa van" sabi ni Tito Allan
"Tulungan ko na po kayo Tito, Nikki sumakay na kayo ni Audrey sa van"
YOU ARE READING
Safe Haven (MIKHAIAH)
RomanceLove comes in unexpected time and in unexpected way. When Doc A meets the Lieutenant, what are the chances na magwork at hindi iyong relationship nila. Handa din bang ipaglaban ni Lieutenant ang kaniyang pagibig gaya ng pakikipaglaban niya bilang is...