Audrey's POV
Isang linggo na walang paramdam si Madz sa akin.
Isang linggo kung saan hindi niya sinasagot ang mga tawag at messages ko sa kaniya.
Isang linggo na pinipilit kong pakinggan niya ko para malaman niya iyong katotohanan at buong istorya doon sa video na nakita niya.
Pero bigo ako, hindi ko siya masisisi dahil kung ako din naman siguro ang makakita na nasa ganoong sitwasyon ganoon din ang mararamdaman ko pero sana pakinggan niya ko. Parang nawala na kasi ang tiwala niya sa akin.
Sinubukan kong kausapin sina Gene at JR para kamustahin siya pero nasa ibang lugar daw si Madz hindi nila kasama. Hindi ko na kayang patagalin pa to, kaya naman sinikap kong tapusin iyong research ko nitong mga nakaraang araw kahit pagod sa duty at hirap makatulog pinilit kong gawin, para matapos ko na at makalipad na ko papunta kay Madz.
"Doc A sigurado ka ba hindi ka na tutuloy sa Singapore?" tanong ni Mary
"Hindi na kailangan kong makausap si Madz" sagot ko
"Sayang naman iyon ikaw pa naman talaga ang pinili ng Director para irepresent tong ospital natin"
"May next time pa naman siguro, hindi ko na kaya na tumagal pa iyong hindi namin paguusap ni Madz"
"Hay nako si Captain Lim naman ano bang nangyari doon, hindi rin siya sumasagot sa akin"
"Mary hayaan niyo na sabi ko naman sa inyo problema namin tong dalawa"
"Eh kasi Doc wala ka namang kasalanan talaga maanong pakinggan ka muna niya"
"Busy lang din siguro siya ngayon Mary, mas ok na din na personal ko siyang makausap"
"Ano pa nga ba, nakakainis kasi tong Justin panira ng moment andami tuloy nangyari"
"Sige na mauuna na ko, baka malate pa ko sa flight ko. Babalik din naman ako agad"
"Naku sana magkaayos na kayo, ingat ka Doc A"
"Thank you Mary"
Naglakad na nga ako palabas ng ospital at bumungad naman sa akin ang malakas na ulan. Bigla naman nagnotif sa phone ko na dumating na iyong Grab na nabooked ko, kinapa ko muna sa dala kong bag iyong payong pero mukhang nakalimutan ko ito. Wala akong choice kung hindi lumusong at tumakbo sa ulan para makasakay na.
"Ok na po kayo Mam?" pagtanong ng driver pagkasakay ko
"Opo kuya"
"Hinaan ko na lang po iyong aircon para di kayo masyadong lamigin"
"Salamat po kuya"
Kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan ang ingay ng mga sasakyan sa daan.
Magaalas dos pa lang ng hapon pero parang gabi na dahil sa dilim ng kalangitan. Sana tumigil na iyong ulan baka bigla pang macancel iyong flight ko, ang pagkakaalam ko wala namang bagyo noong nagcheck ako kaninang umaga.
Bigla akong napahikab kaya sinandal ko muna ang aking ulo habang nakatingin sa may bintana. Ramdam ko na iyong pagod sa katawan ko dahil hindi nga naging madali nitong mga nakaraang araw, siguro kapag nagkaayos na kami ni Madz gagaan na ulit iyong pakiramdam ko.
Bukas sana iyong convention namin sa Singapore, ako dapat iyong magrerepresent sa General Surgery pero tinapos ko na lang iyong Research ko para mapadala ito. May ibang pagkakataon pa naman siguro para doon, ang gusto ko lang talaga ngayon magkaayos na kami ni Madz.
Saktong pagdating ko sa airport ay tumila na iyong ulan at natuyo na rin naman ako.
Nakaidlip ako sa byahe at nagising na ng maglanding na nga iyong airplane dito sa Mindanao. Hindi ko na rin pala sinabihan si Madz na bumyahe ako ngayon, mas ok na din sigurong biglaan.
YOU ARE READING
Safe Haven (MIKHAIAH)
RomanceLove comes in unexpected time and in unexpected way. When Doc A meets the Lieutenant, what are the chances na magwork at hindi iyong relationship nila. Handa din bang ipaglaban ni Lieutenant ang kaniyang pagibig gaya ng pakikipaglaban niya bilang is...