Audrey's POV
"Love ako na lang muna magdrive since hindi mo pa kabisado iyong daan sa pupuntahan natin, magexplore ka muna as passenger princess" sabi ko pagkadating namin sa parking.
"Ok lang naman love, may waze naman di naman ako maliligaw"
"Ayaw mo ba maranasan maging passenger princess? Tsaka magaling din kaya ako magdrive no"
"Ok sige love then pakita mo sa akin"
"Ofcourse, oh sakay na po" sabi ko at pinagbuksan siya ng pinto
"Wow nakakapanibago naman, thanks" natatawang sagot niya at sumakay na
Napagdesisyunan namin pumunta sa mall ngayong araw para makapamasyal at mamili na din.
Inayos ko muna ang rear view mirror ng kotse ko at napansin ko na naman nga iyong suot ko, hindi dapat ako nakaturtle neck na shirt ngayon kung hindi lang dahil sa mga tinatago ko. Hindi ko kasi makita iyong scarf ko iyon na lang sana pantakip ko sa leeg ko para kahit anong suot ko pwede, kaso dahil nga hindi ko makita eto na lang sinuot ko.
Kainis kasi tong si Madz pagtingin ko sa salamin kanina bago ako maligo, doon ko lang napansin na andami niyang markang iniwan sa katawan ko pati sa leeg at balikat ko.
Hindi ko naman siya masisisi kasi ako na to haha.
Nagstart na nga ako magdrive at talagang hindi siya bumibitiw ng tingin sa akin.
"Love stop staring, alam ko ginagawa ko may lisensya din ako" sabi ko
"Ok tingin na lang ako sa window" at tinuon nga ang pansin sa may bintana.
"Love first time pala natin pupunta ng mall together, kasi wala naman tayong mall napuntahan sa Mindanao." sabi ko
"Oo nga laging supermarket at palengke lang, so ano ba mga ganap natin ngayong araw?"
"Bibili ng mga gifts for the holidays tapos pwede tayong manood ng cine pag may magandang palabas then last iyong groceries"
"Ok lang naman sa akin, may chinat na pala sila sa gc regarding doon sa mga part natin sa christmas party"
"Really? Hindi ko pa nababasa ano bang nakaassign sa atin love?"
"Ah ako sa food, nagrerequest silang magluto daw ako kahit isang ulam lang tapos ikaw sa program and games kayo ni Mary"
Masarap naman kasi talaga magluto si Madz kaya gustong-gusto din nila iyong mga luto niya.
"Ok lang ba sa iyo iyon love na magluto? Pwede naman magorder na lang siguro lahat"
"Wala namang problema sa akin love, mukhang namiss na din naman nila luto ko"
"Kung sa bagay sa ating walo, ikaw pinakamagaling magluto talaga. Sa New Year pala kailan ang byahe mo paPampanga?"
"Baka 31 siguro ng morning, kung pwede nga lang din love kasama kita salubungin iyong bagong taon" sabi niya habang nakatingin sa akin
"Oo nga eh kaso baka umuwi ako ng Cebu noon if ever na wala kaming duty" sagot ko at saglit na tumingin sa kaniya.
"Darating din naman iyong time na sabay na natin sasalubungin iyong bagong taon kasama mga pamilya natin"
Napaisip tuloy ako parang ansaya nga kapag nangyari iyon, kami ni Madz kasama mga pamilya namin na sasalubong sa bagong taon.
"Oo dadating din iyon love ayan nandito na tayo sa mall" lumiko na nga ako papasok sa parking ng mall.
Magkahawak kamay nga kaming naglalakad dito sa mall. May kilig factor akong naramdaman kaya napangiti ako habang nakatingin kay Madz.
YOU ARE READING
Safe Haven (MIKHAIAH)
RomanceLove comes in unexpected time and in unexpected way. When Doc A meets the Lieutenant, what are the chances na magwork at hindi iyong relationship nila. Handa din bang ipaglaban ni Lieutenant ang kaniyang pagibig gaya ng pakikipaglaban niya bilang is...