Audrey's POV
Kakatapos lang ng operation ko sa isang patient at pabalik na ko ng office. Napansin kong may taong nakatayo sa may pinto ng office namin.
"Excuse me sir?" nakatalikod kasi ito
Pagkaharap niya, pamilyar ang mukha, kung hindi ako nagkakamali siya iyong manager ni Jeremy.
"Hello po Doc good morning po"
"Good morning din po tama po ba kayo iyong manager ni--"
"Ako nga po Manager ni Jeremy, Doc may emergency po kasi bigla pong dinugo iyong sugat niya."
"Kasama niyo po ba siya ngayon?"
"Nasa hotel po Doc, tinawagan lang po niya ako kasi naiwan siya sa hotel at lumabas ako para bumili ng mga kailangan niyang gamit. Tapos nakatanggap na lang ako ng tawag mula sa kaniya na puntahan daw kita sa ospital."
"Ganoon ba? Naku wala pa ata iyong mga ambulansya namin parehas umalis"
"Kaya nga sinundo ko na kayo Doc baka pwede pasunurin niyo na lang, kasi baka ano na nangyari kay Jeremy" halata naman sa mukha nito ang pagaalala, kahit naman naiinis na ko sa alaga niya ay doctor pa din naman ako kailangan ko isantabi iyong personal feelings ko sa obligasyon ko.
"Sige po wait lang kukuha lang po ako ng gamit" pagpapaalam ko tsaka tumakbo papunta sa ER para kumuha ng gamit
Naabutan ko naman si Mary sa may ER.
"Mary paabot naman ng kit na iyon"
"Eto Doc may nangyari ba?"
"May emergency kasi si Jeremy iyong sugat daw niya, andito iyong Manager niya eh wala pa naman ambulansya nasa hotel daw siya kaya sasakay na muna ako sa Manager niya. Pagdating ng ambulansya ibigay mo tong address ng hotel para sumunod sila incase need pang dalhin dito sa ospital si Jeremy"
"Sige Doc noted, ingat ka Doc ha"
"Sige salamat Mary"
Pagkakuha nga ng gamit ay binalikan ko na ulit iyong Manager niya at lumabas na din kami agad ng ospital. Ni hindi na nga ako nakapagpalit pa ng damit, suot ko pa din ang scrub na gamit ko kanina mula sa operation.
Habang nasa byahe kami ay tinawagan naman ng Manager niya si Jeremy para sabihin na papunta na nga kami. Ano ba kasing nangyari sa lalakeng to at hindi iniingatan ang sarili, gusto pa atang bumalik pa ulit ng ospital.
Agad naman kaming nakadating sa hotel na tinutuluyan ni Jeremy.
"Doc katukin niyo na lang po si Jeremy, baba lang po ako may nakalimutan po ako sa sasakyan" pagpapaalam ng manager niya ng nasa may tapat na kami ng room ni Jeremy.
"Sige po" sagot ko naman at umalis na nga siya
Bakit ganito iyong nararamdaman ko, bakit parang kinakabahan ako, parang may mali? Napailing na lang ako, napapikit at humingi muna ng malalim.
"Doctor ka kailangan ka ng pasyente" sabi ko sarili ko at kumatok na nga sa pinto.
"Hi Doc Audrey" nakangiting bati niya pagbukas ng pinto, amoy alak siya mukhang nakainom siya.
"Hi Jeremy, dumugo daw sugat mo? Sinundo ako ng manager mo sa ospital"
"Yes Doc pasok ka" hinawakan niya naman iyong kamay ko at pinapasok sa loob, agad ko naman tinanggal ang pagkakahawak niya dito.
Agad akong napatingin sa kamay niyang nakabalot ng gasa na may bakas ng dugo. Nilock naman niya iyong pinto.
"May kinuha lang sa sasakyan iyong Manager mo baka pabalik na din iyon"
YOU ARE READING
Safe Haven (MIKHAIAH)
RomanceLove comes in unexpected time and in unexpected way. When Doc A meets the Lieutenant, what are the chances na magwork at hindi iyong relationship nila. Handa din bang ipaglaban ni Lieutenant ang kaniyang pagibig gaya ng pakikipaglaban niya bilang is...