AndriusNakangiti akong nakatingin sa kaniya. Ang sarap niyang panoorin na tumatawa‚ makikita mong tuwang-tuwa talaga siya dahil pati mata niya ay nakangiti. Ibang klase itsura ng isang ‘to‚ ewan ko na lang talaga kung hindi siya magustuhan pabalik ng taong nagugustuhan niya.
He’s undeniably pretty handsome. How can a man be this pretty and handsome at the same time? He looks so unreal.
“You stare too much‚ Zamora.” Ayan na naman siya sa pagsusungit niya. Napakamot ako sa ulo.
“Pati ba naman pagtitig‚ bawal? Daming bawal sayo ah” Natatawang sambit ko. Sumama agad ang tingin niya sakin.
“Pero tol‚ diba may nagugustuhan ka? Kumusta naman?” Curious na tanong ko. Napatingin siya sakin at tumaas ang kilay niya. He licks his bottom lip and looks away. Napangisi ako dahil doon. He’s shy!
“Don’t tell me hindi ka pa sinasagot? Gusto mo ba tulungan kita? Huwag ka mag-aalala‚ hindi ako nang-aagaw! Alam ko ang bro code” Tumataas-taas ang kilay na sambit ko.
Nakatingin siya sakin at umuling. Tumatanggi sa tulong na inaalok ko. Sumimangot ako‚ apaka arte.
“You can’t help me with this one‚ Zamora.” Sagot niya‚ nakatingin na ulit siya sa mga naglalaro. Nag-iba ang tono ng pananalita niya.
“Bakit naman? Hindi pa ako nagkaka shota kahit isang beses pero may alam naman ako sa mga ganiyan nuh!” Totoo na wala pa akong first relationship‚ ayaw ko lang. Maraming nagkakagusto sakin pero I’m not ready with that. I’m still a mess.
“You can’t‚ Zamora. And besides‚ I haven’t yet told him that I like him.” Napatulala ako sa sinabi niya. Literal na ngumanga ang bibig ko.
Him? Him!? Lalaki!? Malamang! Kaya nga him‚ andi! Bobo!
Deretso siyang tumingin sa mga mata ko. Napaiwas ako ng tingin at nag-iisip ng sasabihin.
Napalunok ako bago ulit tumingin sa kaniya. Kita ko ang pamumungay ng mata niya‚ nandoon ang pag-aalala.
I’m just shock‚ iyon lang. Gulat dahil hindi ko inaasahan na lalaki ang gusto niya‚ gulat dahil hindi ko inaasahan na sa laki niyang yan ay lalaki pala ang gusto niya.
“Tangina‚ panay ako isip na babae tapos lalaki naman pala. Bakit hindi mo sinabi ng deretso? Siraulo” Napapailing na sambit ko. Siya naman ang nagulat dahil sa sinabi ko.
“You’re not disgusted?” Bakas ang pagtataka sa tanong niya. Napakunot ang noo ko dahil sa narinig.
“Why would I? Dahil lang sa sexuality mo? Open-minded ako sa mga ganiyan. At tsaka‚ naniniwala na ako na love has no gender” Napangisi ako sa huling sinabi. Totoo iyon. Kung sinasabi ng iba na age is just a number‚ edi love has no gender naman sakin. I don’t care about the sexuality of someone else. Everyone deserves a respect.
“If‚ if someone tells you that they like you‚ what would you say?” Marahan ang pagsasalita niya. Nag-iingat. Napatingin ako sa mga naglalaro at nag-isip.
“Kung lalaki ang aamin na gusto niya ako‚ siguro pass muna” Natatawang sagot ko at tumingin ulit sa kaniya. Nakita ko ang biglang pagpungay ng mga mata niya. Napakunot ang noo ko‚ hindi ko gusto ang nakitang lungkot sa mata at mukha niya.
“I’m a mess. My life is so fucked up right now. Wala akong pakialam sa sexuality ng taong magkakagusto sakin‚ ang sakin lang ayaw kong i-welcome siya na ganito ang buhay ko. Kung magmamahal man ako‚ gusto ko mas maayos ako. Gusto kong mentally stable ako‚ ayaw kong maging pabigat. I want him or her to have a healthy relationship with me.” Nakangiting usal ko habang nakatingin sa kaniya ng deretso. Bumalik sa sigla ang mga mata niya‚ natawa ako ng biglang mamula ang tenga niya.