Chapter 35

614 22 5
                                    


Andrius

“Hello‚ anak? Why aren’t you talking? Is there something wrong?” Nag-aalala ang boses ni Mommy. Napabuntong hininga muna ako bago sumagot.

“Mom‚ Tita and Tito wants you here. We are celebrating.” Marahang sagot ko‚ ilang minutong natahimik ang nasa kabilang linya.

“Celebrating what‚ anak?” Nagtatakang tanong niya. Napangiwi ako sa tanong niya‚ nakakatawa naman kasi talaga kung sasabihin ko na nag ce-celebrate kami dahil sinagot ko na si Cassian.

“Well‚ Tita is just a bit overreacting‚ Mommy. Nalaman niya na sinagot ko na anak nila and she cooked something for us‚ she wants you here. You and Daddy.” Hindi ko mapigilan ang matawa‚ narinig ko ang pagsinghap ni Mommy at maya-maya ay biglang tumawa. Napasimangot ako.

“Mom‚ stop it.” Pagsasaway ko sa kaniya‚ mas lalo lang siyang natawa.

“I’m sorry‚ anak. It’s just that‚ she’s funny‚ isn’t she?” Natatawa pa rin siya. “But we’ll be there. Your Dad’s listening.” Dagdag niya pa. Napangiti ako.

“I’ll text you the location po. See you.” Nakangiting saad ko‚ she said okay before ended the call.

Pumasok ako sa bahay‚ napatingin sila agad sakin. Halatang naghihintay ng sasabihin ko.

“They are coming po.” Kay Tita at Tito ako tumingin at ngumiti‚ agad na napa-palakpak si Tita.

Lumapit ako kay Cassian na nakangiti na sakin.

“Ano ‘to? Mamamanhikan ka na ba‚ Andi?” Natatawang tanong ni Zed. Sinamaan ko siya ng tingin‚ nagsisimula na naman siya.

“Kung naiinggit ka‚ maghanap ka rin ng shota.” Pang-aasar sa kaniya ni Lav‚ nginiwian siya ni Zed.

“Oo nga‚ malay mo nandiyan lang sa tabi-tabi yung para sayo.” Gatong naman ni Yuen at bahagya pang tumingin kay Zaven na katabi niya.

Tumaas ang kilay ko‚ sila lang ang nagkakaintindihan.

“Huwag niyo ako idamay‚ mas masarap ang maging single.” Ngingisi-ngising sambit ni Zed‚ tinawanan siya ng mga kaibigan naming babae.

“Nasasabi mo lang yan kasi single ka! Lol.” Ayaw talaga paawat ni Laveign‚ kahit sila Tito at Tita ay natatawa na.

“Pwede ba‚ bansot? Huwag ka masyadong madaldal dahil bumabaho ang hangin.” Seryoso iyon sinabi ni Zed‚ agad na sumama ang mukha ni Laveign habang kami ay natawa na talaga.

“Matangkad ka lang‚ hindi ako bansot!” Iritang sambit ni Lav. Tinapik ni Reux ang balikat ni Lav at umiling sa kaniya.

“Tama na‚ alam kong masakit ang katotohan pero mas mabuting alam mo pa rin.” Nahampas ko si Cassian dahil sa sobrang tawa‚ sinabi iyon ni Reux sa malungkot na paraan. Lumapit ang girls kay Laveign at niyakap siya‚ pinapagaan ang loob.

“It’s fine‚ babe. We are here.” Sambit ni Kiet‚ pinapagaan ang loob ni Laveign.

“Yes bebe‚ truth hurts but at least you know the truth.” Sambit ni Bianca‚ agad siyang pinalo ni Laveign.

“Mga gaga kayo! Kakampi ko ba kayo o kalaban?” Inis na sambit niya sa dalawa‚ agad na lumayo ang dalawa sa kaniya at umiling habang nakangiti.

Lahat kami ay natatawa dahil sa pagiging siraulo nila‚ kahit saan na lang talaga dinadala nila ang kabaliwan nila.

“Nakakatuwa naman kayo‚ ang saya-saya niyo tignan.” Natatawang sambit ni Tita Luciana. Napangiwi ako‚ siya lang ang natutuwa sa kabaliwan ng mga kaibigan ko.

Under HimWhere stories live. Discover now