Chapter 22

498 20 13
                                    


3 araw na akong hindi pumapasok. Para akong preso na nakatakas sa kulungan. Maingat ako palagi. Ayaw ko may makakilala sakin. Lalabas ako tuwing gabi para bumili ng makakain.

Naka alis na ako sa hotel. May nakilala akong isang lalaki‚ siya ang tumulong sakin. Nakilala ko siya sa bar. Lasing na lasing ako that time‚ maswerteng siya ang nakakita sakin. Inuwi niya ako sa condo niya. I must say na mayaman din ang isang ito. May sinasabi ang tindig niya. Mas matangkad din siya sakin‚ I think he is 6'1 and a half.

Swerte ko na lang talaga dahil hindi siya sa school namin nag-aaral. Wala rin siyang tinatanong na kahit ano sakin. Basta niya na lang ako sinabihan na pwede ako mag stay sa condo niya hanggang gusto ko.

“Kakain na” Tipid niyang sambit. Walang gana akong tumango. Nandito kami ngayon sa condo niya. Saturday ngayon‚ wala siyang pasok.

“Magbabayad ako” Sambit ko habang kumakain kami. Natigil siya sa pagkain at tumingin sakin. Kumunot ang noo niya‚ kinukwestiyon ang sinabi ko.

“For what?” Nakakunot noong tanong niya. Salubong ang kilay. Hindi rin maipagkakaila na may itsura siya.

“Sa pagpapatira sakin dito malamang” Nakangiwing sambit ko. Nakangiwi rin siyang tumango.

“Bahala ka sa buhay mo‚ matanda ka na” Natawa ako sa sinabi niya. Palagi naman siyang ganiyan. Kunware papayag pero hindi naman kinukuha ang perang binibigay ko.

“May lakad ka ba ngayon?” Tanong ko. Iniiba ang usapan. Sandali pa siyang nag-isip bago sumagot.

“Wala naman‚ balak ko lang mag grocery kasi mauubos na ang stock ko sa ref” Sagot niya. Nagdadalawang isip ako kung sasama ba ako o hindi. Nabuburyo na rin ako rito.

“Pwedeng sumama?” Tanong ko. Tumango lang siya at nagpatuloy sa pagkain.

Natapos kaming kumain‚ nagbibihis na ako kasi sasama ako sa kaniya. Paglabas ko ng kwarto ay nasa sala na siya.

“Ang init sa labas tapos naka hoodie ka? May ubo ka ba sa utak?” Nakangiwing tanong niya. Tinignan ko ang suot ko.

“Kapag malamig lang ba dapat ginagamit ang hoodie?” Nakangising tanong ko. Sinamaan niya ako ng tingin pero tinawanan ko lang siya.

“Wala ka kwentang kausap gago” Natatawang sambit niya. Tatawa-tawang lumabas kami ng condo niya. Sinuot ko ang cap ko. Ganito ako palagi kapag lalabas‚ balot na balot dahil ayaw kong may makakilala sakin. Nagbago rin ako ng number pero nakatago ang dati kong sim card.

Habang nasa byahe ay tahimik lang kaming dalawa. Isa sa nakakatuwa sa kaniya ay hindi siya nagtatanong basta-basta. Simula noong sa condo niya ako nag stay‚ wala siyang tinanong na kahit ano.

Nakarating kami sa market‚ sabay kaming pumasok sa loob. Nilagay ko ang mask ko.

“Mukha bang may virus ang mga nandito? Ang wirdo mo gago” Natatawang pang-aasar niya. I just show him my middle finger‚ ginaya niya lang ako.

Isa rin ito sa nakakatuwa sa kaniya. Tahimik siya pero marunong siya makisabay sa trip.

“Pumili ka ng mga gusto mo‚ ako ang magbabayad” Sambit niya. Nakangisi ko siyang tinignan.

“Naks‚ sugar daddy ah?” Natatawang pang-aasar ko sa kaniya. Nginisihan niya lang ako.

“Kung magiging sugar daddy ako‚ pipili ako nang paggagastusan ko. Hard pass sayo” Natatawang pangbabara niya. Nginiwian ko lang siya at basta na lang kumuha ng kung ano.

“Kahit ano ah?” Paninigurado ko. Tumango lang siya. Nakangisi akong kumuha ng mga pagkain na makikita ko‚ walang palya.

“Pati kapitbahay ko sa condo bilhan mo rin‚ nahiya ka pa” Nakangiwing sambit niya. Tinawanan ko siya ng mahina.

Under HimWhere stories live. Discover now