AndriusIt’s sunday. Nagising ako dahil sa ingay. They are aguing. Again. Linggo ko na nga lang sila nakikita sa buong week‚ tapos ganito pa mangyayare. I have no choice‚ tumayo na ako para maghilamos.
Bago ko buksan ang pinto ng kwarto para lumabas‚ huminga muna ako nang malalim. As I walk down the stairs‚ mas lalong lumalakas ang bangayan nila. They’re in the kitchen.
Kung sanay na ako sa bangayan nila‚ pano pa kaya ang maids namin?
When I entered in the kitchen‚ I saw them standing and arguing. Huminto ako at tumayo malayo sa kanila.
“Mom‚ Dad” I called them. They stopped arguing and they both looked at me.
Dad just shook his head at nilagpasan lang ako. Tumingin ako kay Mommy at ngumiti ng tipid. She did the same too. Sumenyas siya na umupo na ako.
“What time did you get home last night?” Mom asked me habang kumakain ako. Nakaupo lang siya at nakatingin sakin.
“Around 10 po” Sambit ko matapos kong lunukin ang nginunguya ko. Tumango siya at ngumiti.
Hindi nagtagal ay tumayo siya.
“I have work anak‚ ganoon din ang daddy mo. You can handle yourself‚ right? Kapag may kailangan ka ay sabihin mo lang kay nanay mirna‚ hmm? Take care‚ I love you” Nakatingin lang ako sa kaniya habang nagsasalita siya. Nang mapansin niya na hindi ako kumikibo‚ lumapit siya sakin at humalik sa noo ko.
Nawalan ako agad ng gana kumain‚ halos hindi ko naubos ang pagkain. Hinugasan ko na lang ang platong ginamit ko at basta na lang umakyat ulit sa kwarto.
I looked at the clock. Masyado pang maaga para magmukmok. Kinuha ko ang cellphone ko at basta na lang tinawagan si Zed. 3 rings before he answered the call.
“What the fuck? Ang aga-aga pa para mang-gago!” Natawa ako dahil galit agad siya. “Alam mo ba kung anong oras pa lang?!” Patuloy niya.
“8 a.m pre‚ wala ka ba sariling orasan sa kwarto mo at sakin ka pa nagtatanong?” Pang-gagago ko sa kaniya. Narinig ko pa ang paimpit niyang sigaw.
“Tangina mo talaga nuh? Umagang-umaga ka nang-gagago‚ hindi ba uso sayo ang gabi?” Halatang badtrip talaga siya.
“Bakit ka kasi tumawag sakin? Dapat nga ako ang magalit kasi ikaw ang tumawag” Barumbadong tanong ko na lalong ikinabadtrip niya. Malakas siyang bumuntong hininga bago nagsalita.
“Tangina mo Andrius Zamora!” Sigaw niya pa bago patayin ang tawag. Napahalakhak ako dahil doon.
Humiga ako at pabatong binitawan ang cellphone. Nakatingin lang ako sa kisame. Ilang minuto pa akong nakatitig sa kisame bago ko naisip na pumunta na lang sa mall.
Nang matapos ako maligo ay agad akong nagbihis. I’m just wearing a white polo shirt at pinatungan ko ng gray na hood and above the knee short. Inayos ko ng kunti ang buhok ko bago bumaba.
Nang makarating ako sa mall‚ it’s already 9:53. Saktong bukas ng mall ay 9:30. Kunti pa lang ang tao dahil maaga pa.
Ngingisi-ngisi ako habang naglalakad papunta sa game zone. It’s my time to shine!
Nakapagpalit na ako ng coins. 500 agad ang pinapalit ko dahil ang balak ko ay hapon na ako uuwi.
Naglaro ako ng kung ano-ano hanggang sa hindi ko namalayan ang oras‚ lampas lunch time na. Napangiwi ako dahil doon lang ako nakaramdam ng gutom.