Chapter 6

491 24 22
                                    


Andrius

Natapos ang last subject namin na lutang ako. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang sinabi ni Cassian.

Baby raw?!? Siraulong yon! Hindi man lang nahiya! May mga nakarinig pa! Sasakalin ko talaga siya kapag nakita ko ulit siya.

Isa-isang nagpaalam ang mga kaibigan ko. Naunang matapos ang klase ng girls pero naghintay sila sa court kaya sabay-sabay kaming lumabas ng school. Nakaalis na silang lahat habang ako ay nakasandal lang sa pinto ng kotse ko.

“Tapos na rin klase niyo? Nasaan yong iba mong kaibigan?” Napatingin ako sa nagsalita. Si Yuen iyon kasama ang dalawa niyang kaibigan. Nakatingin silang tatlo sakin. Iniwasan ko talaga na magtagpo ang mata namin ni Cassian. Hindi ko alam kung bakit kailangan ko iwasan ang tingin niya‚ basta gusto ko lang.

“Nauna na‚ nag-iisip lang ako kaya nandito pa ako” Napakamot ako sa ulo. Totoo naman talaga na nag-iisip ako kaya nandito pa ako.

Tumawa siya kaya napatingin ako sa kaniya.

“Halatang lutang ka pre‚ ano nangyare sayo?” Natatawang tanong niya. Napanguso ako dahil doon. Kanina pa ba sila nandiyan? Amp.

“Tanong mo sa kaibigan mo” Masungit na sagot ko at basta na lang tumango sa kanila at sumakay na sa kotse ko. Hindi pa ako umalis.

Nakita ko pa na tinapik niya si Zaven at Cassian. Nagpapaalam sa isa’t-isa. Mas nauna pa umalis ang dalawa kaysa kay Cassian na nakatayo lang sa harap ng kotse ko at nakatingin sakin. Maliwanag pa kaya kitang-kita niya ako.

“What? Alis!” Inis na sambit ko. Ngumisi lang siya sakin at naglakad papunta sa pinto ng kotse ko. Kumatok siya sa bintana kaya inis kong binaba iyon. Agad na nagsalubong ang kilay ko nang tumingin ako sa kaniya.

“Ano na naman?” Inis na tanong ko. Natawa siya nang mahina.

"Ano? Naneto oh. Tigilan mo kakangiti at katatawa dahil hindi ako natutuwa sayong siraulo ka!” Impit na sigaw ko. Tama lang para marinig niya.

“Why are you so grumpy? What happened to you?” Seryosong tanong niya pero halata sa boses niya na nang-aasar lang siya.

“Tigilan mo ako amerikanong hilaw ah” Badtrip talaga ako. “Baby ampota?!? Ano ka sanggol?!? Sira pala ulo mo e!” Sigaw ko sa kaniya. Napanganga ako nang tumawa siya nang malakas. Literal na halakhak.

“You are so cute. You are still thinking about that? What a cute potatotie” Inis akong tumitig sa kaniya dahil sa tinawag niya sakin.

Umatras siya nang binuksan ko ang pinto ng kotse ko para harapin siya. Tinaasan niya ako ng kilay nang makaharap ako sa kaniya. Kinailangan ko pa tumingala ng kunti dahil mas matangkad nga siya sakin.

“Anong potatotie? Tangina mo. Mukha ba akong patatas?!?” Sigaw ko sa mukha niya pero mukhang hindi marunong matakot ang isang ‘to‚ sa halip ay tinawanan niya lang ako.

Napakislot ako sa kinatatayuan ko nang guluhin niya ang buhok ko habang nakangiting nakatingin sakin. Pumungay ang mata niya. Napalunok ako.

“Go home now. You should get some rest‚ I think you are just tired.” Seryosong sambit niya. He crossed his arms and continue talking. “Stop thinking about what I’ve said earlier‚ I was just teasing you.” Natatawang patuloy niya pa.

Mas lalo akong sumimangot dahil sa narinig. Tangina talaga nito. Sabi na e‚ pinagtitripan lang ako. Pakyu wantawsan!

“Mama mo teasing” Inis pero malumanay na sambit ko. Natawa siya nang mahina. Sumandal ako sa pinto ng kotse kong sinara niya na pala.

Under HimWhere stories live. Discover now