Chapter 27

476 17 9
                                    

Andrius

It’s been a week since nakauwi ako sa bahay. Okay na kami ni Mommy‚ but dad seems distant pa rin. It’s fine‚ maybe soon magiging okay rin kami.

Nakapag explain na rin naman ako sa mga kaibigan ko. I told them about me and Cassian too. They were shocked‚ but not Zed. Ngingisi-ngisi pa ang loko noong umamin ako sa kanila. Ang girls naman ay hindi makapaniwala‚ masyado raw akong magaling magtago.

I expected na magtatanong sila about sa sexuality ko‚ but they didn’t. They were just shocked. Mas nagtanong pa sila kung pano ko napikot si Cassian. They didn’t question me about my sexuality‚ and if ever man na magtanong sila‚ sasagutin ko iyon nang walang pag-aalinlangan. I’m proud of myself. I’m proud of being part of LGBTQ+ Community.

Tapos na ang klase namin ngayong araw. Nagyayaya si Zed na uminom‚ hindi ako tumanggi pero ang sabi ko ay magpapaalam muna ako.

“Kanino ka naman magpapaalam? Sa pagkakaalam ko wala pa kayong label‚ kapal ng mukha mo.” Natatawang sambit niya habang inaayos ko ang mga gamit ko. Sinamaan ko siya ng tingin. Ang tabas ng dila ng isang ito‚ sarap saksakin.

“Pwede ba manahimik ka? Tangina mo.” Inis na sambit ko. Tinawanan niya lang ako. Hindi ko na siya pinansin‚ inabala ko ang sarili ko sa pag-aayos ng mga gamit ko.

Irita ko siyang tinignan nang tinapik niya ako sa balikat.

“Ano na naman? Tangina ka.” Badtrip agad ako sa kaniya. Natawa siya pero maya-maya ay tinuro niya ang nasa likod ko.

“May sundo ka na. Text mo na lang ako kapag pinayagan ka ng Daddy Cassian mo” Ngising sambit niya bago ako tinapik sa balikat at dere-deretsong umalis.

Nagtaka pa ako dahil si Cassian at Yuen lang ang tinanguan niya. Hindi niya man lang tinapunan ng tingin si Zaven na seryosong nakatingin sa kaniya. Nakita ko pa ang malalim na pagbuntong hininga ni Zaven.

“Talk to you later guys. May kakausapin lang ako.” Tinapik niya sa balikat ang dalawang kaibigan niya. “Hi‚ Andi. It’s nice to see you again.” Bati niya sakin bago kumaway at pilit na ngumiti. Nagtataka man ay tinanguan ko siya at kinawayan din.

Nang matapos kong ayusin ang mga gamit ko‚ lumapit ako kay Cassian. Agad niyang kinuha ang bag ko na hindi naman ganon kabigat. Nakasanayan niya lang talaga.

“Ang lagay ako na naman ang magtitiis ngayon?” Nakangiwi agad si Yuen. Natawa kaming dalawa ni Cassian.

“Why don’t you go and look for your the one?” Masungit na sambit ni Cassian sa kaniya. Agad na umasim ang mukha ni Yuen. Maraming nakatingin samin‚ sino ba naman ang hindi mapapatingin samin? Gwapo ako‚ tapos dalawang gwapo rin kasama.

“Shut the fuck up‚ Santiago. Ayaw kong gumaya sa inyo ng isa mong kaibigan.” Nakangiwing sambit ni Yuen. Nagtaka ako sa sinabi niya‚ panong dalawa? May pinopormahan din si Zaven?

“Bitter” Natatawang usal ni Cassian. Agad siyang pinakyuhan ni Yuen. Kakasama nila sa mga kaibigan ko‚ nahahawa na sila sa ugali.

“What do you think about Zaven and Zedrick‚ Adi?” Baling sakin ni Cassian. Nagtataka ko siyang tinignan bago binalik ang tingin sa dinadaanan.

“Ayos naman. Magkaugaling-magkaugali sila‚ pareho silang madaldal at OA. Buti nga nagkakasundo sila e. pero kung makikipagpalit ka ng kaibigan‚ samin si Yuen at sa inyo si Zed.” Natawa ako sa huling sinabi. Napangiwi ang dalawa sa sinabi ko. Kumunot ang noo ko dahil mukhang hindi nila nagustuhan ang sinabi ko.

“I told you‚ he doesn’t know. Shut the fuck up‚ Carson.” Baling ni Cassian kay Yuen. Natawa si Yuen.

“What a fucking idiot.” Natatawang sambit ni Yuen. Agad na kumunot ang noo ko. Sinong bobo? Sino ba pinag-uusapan nila?

Under HimWhere stories live. Discover now