Chapter 40

495 23 2
                                    


Cassian

It was a week ago when I went to our house. Palagi akong tinatawagan ni Mommy para lang itanong kung nakausap ko na ba ang lalaking iyon.

“Hoy‚ Santiago! Palagi ka na lang tulala.” Tinignan ko si Zaven nang masama‚ nginisihan niya lang ako.

Medyo maayos na ang pagtatagalog ko‚ kaya ko na rin magtagalog pero hindi dere-deretso.

“What do you want?” Masungit na tanong ko habang nakataas ang kilay.

“Tara coffee? May malapit na coffee shop diyan‚ libre ko na.” Agad akong tumayo‚ sinenyasan sila para pumunta na.

Natatawang umiling si Yuen. That’s free e‚ sino tatanggi sa free? Libre?

Nang makarating kami sa coffee shop napansin ko agad ang ibang nasa loob na tumingin samin. I ignored them.

Nauuna sila Zaven at Yuen sakin habang ako ay nasa likod lang nila. They were laughing that’s why mas lalo silang pinagtitinginan.

Nilibot ko ang paningin ko sa loob ng coffee‚ agad na kumunot ang noo ko nang makita siya.

He is looking at me too‚ tinaasan ko siya ng kilay at ganoon din ang ginawa niya.

Naputol ang tinginan namin nang akbayan ako ni Zaven papunta sa counter.

Sinabi ko sa kanila ang sakin‚ sabay kaming umupo. Hindi kalayuan kung saan nakaupo ang lalaking iyon at mga kaibigan niya.

He also has female friends. He is friendly‚ huh?

Habang umiinom ng kape ay hindi ko mapigilan ang mapatingin sa kaniya. Napapansin ko rin ang pagsulyap niya sa pwesto namin.

I can’t help but feel conscious. They were laughing.

Maingay ang dalawa kong kasama habang ako ay tahimik lang na nakikinig sa kanila. Humugot ako ng cellphone sa bulsa at doon tinutok ang atensyon.

That boy looked at me again. Maybe naiingayan na siya sa mga kasama ko? But bakit ako ang tinitignan niya? I’m not maingay naman.

"Diba tol? Try mo kasi mang chix minsan‚ wala naman mawawala sayo" tumatawang sambit ni Yuen‚ tinignan ko siya at tinaasan ng kilay.

"Gusto mo lang ako ayain mag bar. Straight to the point‚ asshole." Sambit ko at inismiran siya.

Tumawa silang dalawa.

Sabay-sabay kaming napatingin sa magkakaibigan ng magtawanan sila.

“Bia?” Napatingin ako kay Zaven nang magsalita siya‚ kausap niya iyong babae.

“Hi‚ Kuya Zav!” The girl said while waving at Zaven.

He knows them? How?

Agad na tumayo si Zaven at lumapit sa kanila‚ umupo pa siya sa isang upuan na binigay ng isang lalaki.

I looked at Yuen‚ he shrugged his shoulders telling me that he didn’t know what was going on.

Narinig ko pa na pinakilala kami ni Zav sa mga iyon‚ kumaway sa kanila si Yuen habang ako ay tumango lang at binalik ang tingin sa cellphone ko.

I can’t stare at him for too long.

Tumayo ako nang makita kong tumayo si Zav‚ hinintay pa namin siya na makapagpaalam sa mga nandoon.

Hindi ko na pinansin ang mga kakilala niya at basta na lang tumalikod.

Bumalik kami sa klase pagkatapos namin mag coffee.

Under HimWhere stories live. Discover now