Chapter 04: Mistreatment

468 16 3
                                    


Mali's Pov.

Waking up again. Kinda dissapointed at first but I have fun because of my friends and dahil sa surprise ni Khali sakin. Naglulugmok na ata ako sa kalungkutan kung hindi siya dumating.



" Uyab," Tawag sakin ni Nico. " Huh? Why so early? " Tanong ko. Nakaligo at nakabihis na siya habang ako, kakagising lang.


" Nasiraan kasi ng kotse si Aya, she needs someone na hahatid sakanya sa work, kaya ako nalang pupunta, sama ka nalang para tatlo tayong early, diba? " Sabi niya. She seems proud pa ah.


" Bakit ikaw? Andun naman si Jeremy ah? " Tanong ko. " Nauna na daw umalis and wala naman silang driver since both of them know how to drive," Explain niya.


" Mamaya pa ako aalis, kakagising ko lang, I still need to eat, shower and do my make-up," Sabi ko and she sighed. " But Aya's waiting na eh," She uttered.




Unahin mo nalang bestfriend mo.




" Una nalang, mahaba pa kasi ang gagawin ko, my skincare routine pa akong gagawin, matatagalan kang maghintay sakin," Sabi ko pretending I'm fine pero deep inside, gusto ko nalang mamatay.



" Oh okay, uyab! Sige! I'll see you later! " Sigaw niya at tumakbong papalabas ng bahay. Wala man lang kiss o yakap ah, nakakapanibago ka na, Nicolette.



Habang kumakain ako ng waffle na ginawa ni Nico at buti nagawa niya pa yun ay biglang may tumawag. Si Khali lang pala, sinagot ko at partida, video call, laging may load.



" Good morning, Ali! Asan ka? " Tanong niya. " Hindi mo nakikita? Nasa bahay alangan," Sabi ko.


" Did you not read our group chat? We need to be early daw! " Sabi ni Khali sakin na ikinatayo ko. " Shet! Seryoso ba?! " Tanong ko, lumalabas ang pagka-batanguena ko neto. Mukhang nasa kotse siya ah.


" Last minute lang sila nag-chat kaya ano? Maligo kana diyan! Doon ka nalang mag-breakfast! " Sigaw niya at dali-dali kong pinatay ang call at dumiretso sa bathroom, bwiset naman oh.


Papasok na walang skincare or make-up. Sige.




Pagkatapos kong maligo at magbihis ay kunting powder and lip balm, sapat na. Inayos ang bahay bago isara at lumabas na ako. Tito Direk, bigyan mo ko ng advance neto, tumatakbo akong naka-heels papunta sa medyo malayo naming gate.


" Ali! " Sigaw ng babaeng nakatayo at nakasandal sa kotse niyang kulay black and partida, BMW pa yan ah. " Ali, anong ginagawa mo dito? " Tanong ko habang papalapit na siya sakin at niyakap ako agad.

Too Late To Stay, Too Late To Say [ A BINI AU SERIES #2 ]Where stories live. Discover now