Gwy's Pov.
All set na ang decorations, catering and yung photographer and videographer. Can't wait to see her reaction since nasa solo work pa siya ngayon sa company namin. But what made me confused is that Mali brought cards na ayaw niya ipakita samin, ano kaya ang nakasulat diyan? We didn't budge to read it kasi sabi nya ay mga scripts yan para sa little Q&A niya with Khali.
" Kanina ka pa kating-kati, Mali ah, excited makita ang future husband slash wife mo? " Hirit ni Shamie na ikinatili ng iba naming kaibigan.
" Luh, di ba pwedeng kinakabahan ako kasi baka hindi niya magugustuhan tong hinanda natin sakanya? " Angal naman ni Mali. " Ano ka ba, Mal, I'm sure she will like it kasi ikaw ang nagplano nito, kahit nga hindi natin I-celebrate birthday nun basta ma-greet mo lang siya, kulang nalang ay lulutang na yun any moment sa kasiyahan," Sabi ko at nakatanggap naman ako ng hampas dun.
" Pero totoo, magugustuhan niya to, promise," Sambit ko at ngumiti siya sakin.
We're waiting for the other guests to come. Lahat ng kilala namin ay ininvite namin kahit di namin kilala, ininvite namin dahil kilala sila ni Khali para mas enjoyable ang birthday niya. We invited her friends na sina Onie, Criza and Denise at partida, pinagseselosan pa'to dati ni Mali.
Denise is one of Khali's closest friends and I would say na super clingy nila sa isa't-isa kasi Mali and Khali got seperated for two years dahil nag- iba si Khali ng school na papasukan nung magse-senior high sila. But Mali protested that time at talagang pinigilan niyang sumama si Khali sa friend niyang si Denise, we even laughed so hard to the point na ikamamatay namin yun sa tawa at kahihiyan dahil sa airport niya talaga pinigilan si Khali.
It was one their best moments kasi that shows how genuine their love for each other and If Mali's afraid na wala si Khali, papano pa kaya kung opposite?
" Khali texted sa gc, she's inviting us na gumala daw pero I replied na dito nalang sa bahay niyo muna magkita-kita," Sambit ni Rhian at tumango kami.
Back to the topic, I remember one time nung Mali texted us so late kasi bigla siyang nag-text na nasa Batangas siya to meet her cousins daw dun for one week and siyempre, downbad si kapatid ko kaya hindi niya talaga kinaya. I told her na tawagan niya or I-text at ginawa niya naman.
Pero juskoo, wala pang three days ang nakakalilipas ay nagulat ako na wala si Khali sa bahay and I was so dumbfounded nung nag-initiate ng video call si Khali seeing her with Mali and telling us na nasa Batangas siya kung saan andon si Mali.
I thought Mali would be mad about it dahil time niya yon to have a bonding with her family pero she's chill and fine about it dahil kilala naman si Khali ng buong angkan ni Mali.
What made me really confirmed na green flag and kinda OA towards Mali ay nag-stay siya dun ng one week at siya pa mismo ang naghatid kay Mali papunta sa condo niya. I wonder why ganon ka gentlewoman si Khali, I mean... I would admit na we really like spoiling our girl pero she's putting a lot of effort habang ako naman ay pa-silent lang.
YOU ARE READING
Too Late To Stay, Too Late To Say [ A BINI AU SERIES #2 ]
FanfictionA Bini Ship Au: - I'm too late to stay with you and too late to say I love you - - Papano kung isang araw, kung kailan, wala na siya sayo dun mo palang siya napagtanto na mahal mo pala siya? Siya pala yung taong hinahanap mo na hindi mo mahanap sa...