Chapter 27: Time To End Things

187 7 34
                                    


Khali's Pov.

Ginala ko siya sa mga lugar na pinupuntahan namin palagi and right now, nasa private cafe kami kung saan, dun nag-start yung friendship naming dalawa.

Tanghali yun at naaalala ko pa yung red bayonetta glasses niya na may ribbon sa gilid nito. Naka-red and white stripes pa siya nun na croptop at naka-long skirt pa siya nun na may dala-dalang small shoulder bag na halos puno ng anik-anik ang bag niya.


The reason why we became friends that time is kulang yung pambayad niya at hindi na niya yun madagdagan pa kasi yun lang yung pera niya at nasa credit card yung iba. Hindi kasi tumatanggap ng card tong cafe na to kaya nag-panic siya nun.

Siyempre, as a gentlewoman and green flag, binayaran ko yung kulang. One-hundred fifty lang naman yung kulang niya since bumili siya ng latte at chocolate moist cake. Ang cool ko noh? Naaalala ko parin ang lahat.



" Hanggang ngayon ba naman, chocolate moist cake at latte parin ang order mo noh? Hindi ka ba diyan nagsasawa? Kasi six years mo na atang inoorder yan kada kumakain tayo dito eh," Tanong ko and she chuckled.


" Correction, magse-seven na next year," Sambit pa niya at inirapan ko nalang. " Tsaka, pano ako magsasawa eh ang sarap kaya ng chocolate moist cake, try mo rin kasi," Dagdag pa niya.



" Six years ko naring kinakain yan sa bahay, take out kasi ang choice ko pagdating sa pagkain ng moist cake," Sagot ko at tumawa lang siya.



" Wow ah, says the one na nagsasawa na daw," Asar niya na ikinangiti ko lang. Ang cute niya pala ngayon.



" Pasalamat ka nga at binayaran ko yung kulang mo nun that time," Angal ko and she chuckled. " Ikaw ang magpasalamat sa akin kasi kung sakto lang yung binayad ko, hindi tayo magme-meet at hindi kita hahanapin para lang bayaran kita pabalik at mag-thank you in person," Angal niya rin sa akin.



Grabe yung promise niya na hahanapin niya daw ako kahit saang lupalop pa dahil lang one hundred fifty pesos na binayaran ko para sa take out na order niya. Pero not knowing na, same school lang kami and also, classmates pa.


" Pero you know what amazes me the most is the fact that na mag-classmates tayo pero never kitang napansin or nakausap," Sabi ko and ngumiti lang siya.


" Eh kasi naman, as much as kating-kati na ako na I-approach or kausapin ka, para ka kasing nonchalant na cold and mysterious kaya hindi ko na binalak makipag-friends sayo," Sagot niya at It's my turn to laugh.



" So, alam mo palang ako yung nagbayad ng kulang mo? You're just pretending that you don't know me? " Tanong ko at tumango siya.



" Kaya naman pala ang bilis mo naman na hanapin ako, wow ha, hindi halatang crush mo ko," Sambit ko at hinampas yung kamay ko na nakapatong sa table.

Too Late To Stay, Too Late To Say [ A BINI AU SERIES #2 ]Where stories live. Discover now