Khali's Pov.
Nasa company kami ngayon for a brief meeting session para sa upcoming collaborations and events na magaganap here sa company. It's been three days since the incident and confrontation na nangyari.
" Ali, have you checked the event? Is everything okay na? " Tanong ni Mali sakin. Tumango ako at binigay yung mga kinakailangan niyang files and documents.
" Eh ikaw? Is everything okay? " Tanong ko as she looked at me. " Ngayon mo pa tinanong kung kailan busy tayo ah, nagawa mo pa talagang magtanong... siyempre, okay lang ang lahat," Sagot niya habang binabasa yung mga papeles na binigay ko.
" Baka sinasabi mo lang na okay ang lahat pero hindi naman pala," Sambit ko. " Like are you really even okay at this point? " Tanong ko and she sighed.
" What's the point of saying na hindi ako okay? Alam kong mag-aalala ka sakin eh and I'm too busy para isipin ang mga bagay na makakasira lang ng buhay ko," Sabi niya and It's my turn to sighed.
" You should stop being busy, pati yung work na dapat naka-point kay Rhian, inako mo tas ngayon naman, tumanggap ka na naman ng event na iha-handle this week... lumabas-labas naman tayo oh, I miss hanging out with you," Rant ko and she looked at me ng maigi. Like she's examining what I feel right now.
" Hindi naman ako busy today, last nalang naman to... pwede na tayo lumabas," Sambit ni Mali na ikina-excite ko.
" Like a date? "
" Date mo, mukha mo," Angal niya at iniwan akong nakatayo while blushing. Iniisip ko palang na lalabas kami, parang aalog na mga organs ko.
Hinintay kong matapos si Mali sa ginagawa niya. Sina Rhian, Brie, Gwy at Shamie naman ay nasa tabi kong nagbabardagulan except kay Gwy, nakasandal lang sa pader eh.
" Bro, palit tayo seat oh, nakakarindi na ng usapan nila dito, paulit-ulit eh," Reklamo ni Gwy at tinawanan ko lang. " Bahala ka sa buhay mo, alam mong tinitignan ko kung nakalabas si Mali eh," Sabi ko at inirapan lang ako.
Nagmana sa dalawang kikay.
" Himala naman at nagbalak si Mali na lumabas, lagi ng nakakulong sa office niya eh minsan nga, dito na natutulog," Kwento ni Gwy as I sighed.
" Ayun din nga ang wino-worry ko sakanya, parang binubuhos niya lahat ng oras niya sa work, nakakalimutan na niyang alagaan ang sarili niya," Sabi ko and Gwy nod.
" And I've noticed na pumayat siya, she's not a foodie anymore... we should bring her in every food resto para makakain ng maayos," Sabi ni Gwy at tumango ako.
YOU ARE READING
Too Late To Stay, Too Late To Say [ A BINI AU SERIES #2 ]
FanfictionA Bini Ship Au: - I'm too late to stay with you and too late to say I love you - - Papano kung isang araw, kung kailan, wala na siya sayo dun mo palang siya napagtanto na mahal mo pala siya? Siya pala yung taong hinahanap mo na hindi mo mahanap sa...