Chapter 22: Still Get Jealous

462 10 18
                                    


Mali's Pov.

Tapos na sina Khali and Aya sakanilang photoshoot, grabe yung dikitan scenes nila. Sobrang dikit, kulang nalang, maghahalikan na sila sa harap ko.


" Uhm... Ms.Ricalde and Ms.Vergara, meron pa pong new endorsements ang naka-line up sainyo and ngayon lang po sila nagbigay ng invitations online," Sabi ng assistant namin na ikinagulat namin.


" Ha? Agad-agad? Kaka-start lang namin ni Nico kanina, meron na naman? " Tanong ko and Nico agree. " Kaya nga, partida, kaka-post palang ng Charlotte Folk ng photoshoot ah," Angal ni Nico.


" Nag-trending po kasi kayong dalawa sa X and sa other social media platforms, mukhang gusto nila kayo as partners, maganda daw kasi chemistry niyo and when I read the comments sa mga photos niyo magkasama... they really like the two of you," Explain naman ng assistant namin.



" Pero If you want to reject the offer, just tell it to me para maayos ko na po," Sambit niya and we shook our head.



" Andiyan na yan, might as well, try it," Sabi ni Nico and tumango naman yung assistant. Umalis na yung assistant and we heavily sighed, dagdag pagod na naman ang peg.




" I'm tired na, kanina ko pa gustong tanggalin make-up ko tas matulog lang sa bahay, inaantok narin kaya ako," Reklamo ni Nico and I chuckled.





" Kalma, yung anger button mo, napipindot," Sabi ko at sabay kaming tumawa sa biro ko.









Khali's Pov.

Habang nasa gilid ako with Aya para I-review yung mga na-shoot namin. Hindi ko maiwasang pagmasdan sina Nico and Mali na parang nag-eenjoy sa kabilang set. I've seen the reviews about them, maganda daw ang chemistry na na-build nila. I admit, they're really fit for each other pero pwede bang ako naman?


" Huy- Khali, okay na ba daw sayo tong shoot na pinili ni direk to post online? " Tanong ni Aya sakin at tumango naman ako.


" Okay then, I'll post this in just a few minutes, magpahinga muna kayo then magro-roll tayo for the ending and last photoshoot kasama sina Nicolette and Mali," Sabi ni direk at tumango kami.



We sat on the seat at nag-antay. Napansin kong naiinitan si Aya dahil nga parehas kaming naka-leather jacket at naka-fit turtle neck na black pa. Sinong hindi maiinitan dun?

Kinuha ko yung electric fan at medyo nilapit sakanya and I make sure na mahahagip din ako ng hangin. Naiinitan din naman kasi ako noh. Buwis buhay ata tong ginagawa ko, ang init.

Too Late To Stay, Too Late To Say [ A BINI AU SERIES #2 ]Where stories live. Discover now