Mali's Pov.
Pauwi na kami at inaantay ko nalang si Khali na lumabas sa building. I've chatted her kaso hindi pa siya nag-rereply. Asan na ba yung manok na pula na yon? Shux- umuulan pa.
" Sinong inaantay mo? May susundo ba sayo? " Tanong ni Nico habang may dalang payong at nakasuot siya ng jacket.
" Si Khali, palabas na ba? " Tanong ko and nagtaka siya.
" Kanina pa siya umuwi, sa likod siya dumaan... kasama niya si Aya, may pupuntahan daw sila eh," Sagot naman ni Nico na ikinataka ko.
Kailan pa sila naging close ng ganon? Eh dati parang kulang nalang ay magdasal si Khali na humiwalay si Aya sakanya.
" Siya ba dapat hahatid sayo pauwi? " Tanong niya and umiling nalang ako. " Aantayin ko siya dapat para sabay kami umuwi but since no need naman na hintayin ko siya, uuwi nalang ako ng mag-isa," Sagot ko and Nico sighed.
" Sabay ka nalang sakin, umuulan kaya... sakitin ka pa naman," Sabi ni Nico at pinasilong ako sa payong niya.
" So... Tara na? Malapit lang naman condo mo, pwede kita ihatid dun," Aya niya at pinayagan ko nalang. She doesn't take no as an answer eh.
Sabay kaming naglakad papuntang condo ko. Medyo awkward nga lang dahil may past din kami noh, hindi naman pwedeng magpakampante na ayos na ang lahat.
Nilibang ko ang sarili ko sa panonood ng mga nangyayari sa kalsada. Merong mga batang naglalaro sa ula, mga tindero at tinderang naglalako ng paninda kahit umuulan. Meron ding mga taong nakikisilong sa mga stores malapit. Nakakalibang din palang ilibot yung atensyon ko sa iba.
" Huy, deep thoughts? " Tanong ni Nico dahil kanina pa ata ako nakatingin sa mga dumadaan na mga kotse.
" Hindi naman, nililibang ko lang sarili ko," Sagot ko and she chuckled.
" Awkward ba? Sorry ah, baka kasi ayaw mo kong kausapin since you know naman, we have a past," Tanong niya and I shook my head.
" Ayos lang, I like peace naman... It's been awhile since nagkausap tayo," Sambit ko and she chuckled.
" Pero I won't deny it anymore, gumanda ka, Mali," Amin niya na ikinabigla ko at tumawa lang ako.
" Wow laro ha," Sambit ko. " Huy- totoo kaya," Angal niya na ikinatawa ko. Ayaw niya kasing hindi pinapaniwalaan eh.
" Promise, I swear... You look beautiful than ever," Sabi niya na medyo ikinakilig ko. Hindi ko alam kung bakit ako kinikilig sa ganyang banat eh lagi ko namang natatanggap yan kay Khali.
YOU ARE READING
Too Late To Stay, Too Late To Say [ A BINI AU SERIES #2 ]
FanfictionA Bini Ship Au: - I'm too late to stay with you and too late to say I love you - - Papano kung isang araw, kung kailan, wala na siya sayo dun mo palang siya napagtanto na mahal mo pala siya? Siya pala yung taong hinahanap mo na hindi mo mahanap sa...