Mali's Pov.
Nagkwe-kwentuhan lang kami at as usual, puro chismisan lang ang alam naming I-kwento. Not until, may doorbell kaming narinig, we're expecting na si Rhian yun kaya pinagbuksan siya ni Brie.
" Ay, may umaakyat pala ng ligaw dito eh," Parinig ni Brie habang nakatingin sa akin. Ako naman ay nagtataka kung anong pinagsasabi ng babaita na to.
Pinapasok niya kung sino man yan at hindi ko na pinansin kung sino kasi busy ako sa pinapanood kong K-Drama, nasa romantic scene pa naman ako. I can't skip it, kinikilig na kasi yung organs ko.
" Ang ganda ng pinapanood mo ah, kaya ko ding gawin yung ginawa ni Lee Jong-Suk diyan," Bulong ng hindi ko inaasahan na pupunta dito ng wala man lang pahiwatig sa akin.
" Ali? Ba't ka andito? " Tanong ko and I also saw Gwy na naka-backhug naman sa bebe niyang si Shamie then, I saw Rhian na nakikipag-bardagulan naman kay Brie.
" I'm here to visit you, bawal ba? And I bought Ice cream over there, favorite mo parin ba ang cheesecake flavor? " Rason niya.
" Asan na yung ice cream? " Tanong ko at tinuro naman ni Gwy yung dalawang mag-jowa na mukhang lalamunin na yung ice cream.
" Hoy! Tirhan niyo naman ako, inubos niyo na nga yung natitira kong ice cream sa ref eh," Reklamo ko at agad-agad naman akong kumuha ng baso para kumuha ng ice cream.
" Ali, kain ka din oh," Sabi ko.
Khali's Pov.
Mali called me kaya pumunta rin ako sa kitchen table. It's kinda funny na hanggang ngayon na lumalaki na kami and having our own matured personality, parang bata parin sila kung kumain ng ice cream.
" Ice cream? " Aya niya at tatanggi na sana ako nung tinapat niya yung spoon na may ice cream.
" Ahh," Utos niya kaya sinunod ko nalang. Sinubuan niya ako ng ice cream at hinayaan ko nalang siya na gawin niya yun paulit-ulit kahit ayaw ko na.
" Baka mabilaukan ang manliligaw mo beh, amacana," Biro ni Shamie at nagsitawanan naman ang iba.
" Magsitigil nga kayo diyan," Angal ko. " Wala, kinikilig ka lang eh, aminin mo nalang kasi Khali na gusto mo din na shini-ship ka namin sakanya," Asar pa ni Brie.
YOU ARE READING
Too Late To Stay, Too Late To Say [ A BINI AU SERIES #2 ]
FanfictionA Bini Ship Au: - I'm too late to stay with you and too late to say I love you - - Papano kung isang araw, kung kailan, wala na siya sayo dun mo palang siya napagtanto na mahal mo pala siya? Siya pala yung taong hinahanap mo na hindi mo mahanap sa...