CHAPTER 2

25 0 0
                                    

Malaking bangka ang sinakyan namin papuntang Pantropiko Island. At mahigit isang oras bago kami makarating sa islang yun. Malayo siya pero sabi ng kakilala ko sobrang ganda raw talaga dun. Hindi kilala ang islang ito kaya wala pa raw masyadong nakakapunta doon.

Habang nasa biyahe ay kanya-kanya naman kami ng ginagawa ng mga kaibigan ko. Si Majoy at Shamey nagseselfie at nagtitiktok, ako ay pinapanood si Coleen habang vinivideohan niya yung magagandang tanawin, si Khai naglalaro lang ng COD sa phone niya, si Audrey at Ten nagbabangayan na naman, at si Glenn naman ay mahimbing na natutulog.

Seeing these beautiful sceneries na nadaanan namin, it makes me want to explore every places here in the Philippines. Alam ko kasing marami pa talagang mga lugar dito sa pilipinas na sobrang ganda, sadyang hindi pa nadidiscover ng iba. And I want to explore those places with my friends.

"Hoy guys! Ayan na ata ang Pantropiko Island oh!" tawag ni Coleen sa mga kasama namin nang matanawan namin ang isla.

"Wow! Ang ganda!" manghang sabi ni Shamey.

Pagkarating at pagkababa namin sa bangka ay talagang mas lalo kaming namangha. Sobrang ganda, napaka-linaw ng dagat guys wala talagang nagkalat na dumi tapos ang puti ng mga buhangin.

Hala, ka wow uy!

"This is it, pancit." I whispered.

"The island we've been dreaming of." Majoy said. Her voice filled with awe. Pangarap kasi talaga namin na makapunta sa ganitong klaseng lugar eh.

"Totoo pala to? Akala ko charot charot lang." Shamey jokingly said that made us laughed.

Nung time kasi na sinabi sa akin nung kakilala ko ang tungkol sa islang ito ay sinearch ko kaagad ito tapos ipinakita ko sa kanila. Medyo may trust issues si bunso kaya hindi kaagad siya naniniwala na totoo ang lugar nato. Sabi pa niya, wala daw ganito dito sa pilipinas.

"It's like a fairytale, noh?" Khai said, her eyes sparkling with excitement. Agree ako kay Khai. It looks like a magical island kasi.

"Sino kaya may-ari ng islang ito?" Audrey curiously asked.

"Baka ako." pilosopong sagot ni Ten at nakatanggap kaagad siya ng sapak galing kay Audrey.

Natigil ang aming pagkamangha ng biglang nagsalita si Coleen. "Hoy! Tulungan niyo kong bitbitin itong mga gamit natin!" sabi niya.

"Ay, kailangan mo pa pala ng tulong, ate Coleen? Akala namin kaya mo na yan." tinatarantado talaga ni Audrey ang taong may anger issues.

"Hambalusin ko kayo eh!" sambit ni Coleen. Kinuha na namin mga gamit namin at nagkanya-kanya kami ng bitbit baka magalit pa ng tuluyan si Coleen.

"Alam niyo, mas maganda to dito pag umaga." ani Glenn.

Mas makikita kasi namin ng malinaw kung gaano kaganda ang islang to kapag umaga. Palubog na kasi ang araw eh at medyo magdidilim na. Malapit talaga kaming inabot ng gabi bago kami nakarating dito sa isla, antagal ba namang kumilos ng mga magaganda kong kaibigan.

Habang naglalakad kami ay may mga nakakasalubong naman kaming mga tao. May mga bata na naglalaro ng buhangin, may iba na naliligo sa dagat, yung iba naman tumatambay sa ilalim ng puno ng niyog.

"May mga tao pala dito? Nakatira ba sila dito o mga guests lang din kagaya natin?" tanong ni Majoy na ikinakibit balikat ko lang.

"Ay may hotel pala dito? Sosyal! Mayaman siguro may-ari ng islang ito." sambit ni Audrey nang matanawan namin ang mala-palasyong hotel sa di kalayuan.

Pagkarating namin sa loob ng hotel ay mas lalo kaming namangha. Akalain niyo yun, kung maganda tignan sa labas, mas maganda talaga sa loob. Napaka-futuristic ng hotel.

SA ISLANG PANTROPIKOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon