HIRAYA
🔞: trigger warning
Nag-umaga nalang hindi talaga ako dinalaw ng antok. Magdamag akong gising at hindi talaga nakatulog kakaisip sa mga mahal ko sa buhay. Kumusta na kaya sila? Si papa at mama, kumusta na kaya? Okay lang kaya sila ngayon? Galit kaya sila sa akin? Kinamumuhian kaya nila ako? Since nakulong ako, hindi ko na sila nakita pa. Hindi kasi nila ako dinadalaw.
Naiangat ko ang aking paningin ng marinig ko na may tumikhim. "Uhm, p-pwede ko ba malaman ang p-pangalan mo?" tanong ng kasamahan ko dito sa loob ng cell.
Bago lang siya dito, dumating siya dito 3 days ago. Mula nung dumating siya ay lagi niyang sinusubukan na e approach ako kaso pinipigilan siya ng ibang inmates kasi nga daw psychopath ako. At sa lahat rin ng inmates dito, siya lang ang nagtangkang kausapin ako.
Bumangon ako sa aking pagkakahiga at isinandig ang aking likod sa dingding saka tinitigan siya ulit sa kanyang mga mata. "Raya. Hiraya Arceta." tugon ko.
Napansin ko naman ang pagliwanag ng kanyang mukha na parang natutuwa dahil kinausap ko siya. "Wow! Ang ganda naman ng pangalan mo! Tsaka ang ganda-ganda mo rin!" komento niya.
Nice compliment para sa kagaya kong walang tulog...
Tumabi siya sa'kin. "Ilang taon ka na?" hindi naman halatang madaldal siya noh.
"23." bored kong sagot.
"Ay, mas matanda ka pa pala sa akin." napataas ang isang kilay ko sa sinabi niya.
"What about you?" tanong ko.
"Me? My name is Sky... Sky Flakes Montes, 21 years old." binigyan ko siya nang 'are you serious' look pagkatapos niyang sabihin ang pangalan niya.
"Oo nga, seryoso. Sky Flakes talaga pangalan ko. Paboritong biskwet kasi yun ni mama kaya yun ang ipinangalan niya sa'kin." seryosong sabi niya kaya lihim akong natawa.
HAHAHAHA gosh! Her name made my day HAHAHAHA
"Seryoso ba talaga na isa kang psychopathic serial killer?" tanong niya.
"Yes. Kaya dapat hindi mo ko nilalapitan at kinakausap o di kaya kinakaibigan. Huling biniktima ko ay ang mga kaibigan ko." tugon ko.
"Alam mo ate Raya, hindi ako naniniwala na psychopath ka at kaya mong pumatay. Wala kasi sa itsura mo eh." saad niya.
"Don't trust my look." paalala ko sa kanya at umiwas ng tingin.
"Sus! Alam kong inosente ka." napalingon ako sa kanya dahil sa sinabi niya.
"Shut up if you don't want to die! Do you want me to kill you here?" banta ko sa kanya sa malamig na boses pero hindi man lang siya natinag.
"Bakit kaya mo ba?" hamon niya sa akin kaya natigilan ako.
Hindi ako nakapagsalita at nanatili lamang na nakatitig sa kanya. Marunong ba siyang kumilatis ng tao? Bakit parang alam niya na hindi ko kayang gawin yung banta ko sa kanya.
"Ate Raya, baka gusto mo kong gawing side kick mo. Willing naman ako na maging side kick mo kung gusto mo. Tutulungan kitang makawala sa kamay ng taong gumawa nito sayo." napakunot ang noo ko sa sinabi niya.
OMG! May alam ba siya?
"Inmate 0611, may bisita ka." rinig kong saad ng pulis na nagbabantay sa labas.
Hindi ko na pinansin pa si Sky at tumayo nalang saka lumabas. "Yung bisita ko ba kahapon ang bisita ko ngayon?" tanong ko sa pulis na ngayon ay pinoposasan ako.
"Hindi." maikling sagot niya.
Hays! Sino na naman kaya ang bisita ko ngayon?
Pagpasok sa visitor's room ay medyo natuwa ako nang makita kung sino ang bisita ko.
BINABASA MO ANG
SA ISLANG PANTROPIKO
Mystery / ThrillerBINI AU - 🌷; The photo in the cover is not mine. Credits to the rightful owner.