KHAI
🔞: trigger warning
Pagkaalis ko ng presinto ay kaagad kong tinawagan si ate Coleen.
"Khai?" tawag niya sa akin sa kabilang linya."Ate Coleen nasan ka ngayon?" tanong ko sa kanya.
"Nasa ospital. Sinamahan si mama na magbantay kay papa. Bakit?"
"Pwede ka bang pumunta sa bahay ni ate Majoy? May sasabihin ako sa inyo. Magkita nalang tayo dun."
"Okay, sige. Pero may problema ba?"
"Binisita ko kasi si ate Raya ngayon. At may sinabi siya sa'kin."
"Ganun? Sige, papunta na ako kina Majoy." huling sinabi niya bago ibaba ang tawag.
Pagkasakay ko ng kotse ay kaagad ko itong pinasibad papunta sa bahay ni ate Majoy. Sakto ring pagdating ko ay dumating rin si ate Coleen.
"Anong meron?" tanong ni ate Majoy pagbukas niya nang pinto.
"Galing ako sa detention center at binisita ko si ate Raya." sabi ko pagpasok namin sa loob.
"Anong sinabi ni Raya?" ate Coleen asked.
"Sabi niya, ang akoang journal Khai pangitaa didto sa akoang kwarto sa balay natong walo, kay naa didtoa tanan gusto nimong mahibaw-an. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin nung sinabi niya kaya ko sinabi to sa inyo dahil alam kong maiintindihan mo yung sinabi ni ate Raya, ate Coleen." sambit ko at tumingin kay ate Coleen.
"Ang ibig sabihin nung sinabi niya ay hanapin daw natin yung journal niya dun sa kwarto niya sa bahay nating walo dahil... dahil nasa journal niya ang lahat ng gusto nating malaman." namilog ang aking mga mata, matapos e translate ni ate Coleen ang sinabi ni ate Raya.
"Kung ganun, ano pang hinihintay natin? Pumunta na tayo dun at hanapin na natin yung journal niya." saad ko sa kanilang dalawa ni ate Majoy.
Hindi na kami nag-aksaya pa ng oras at pumunta na kami sa bahay naming walo para hanapin yung journal na sinasabi ni ate Raya. Akala ko hindi sasama si ate Majoy kasi hindi naman talaga siya sang-ayon na mag-imbestiga ulit, pero nagtaka nalang ako dahil mas nauna pa siyang lumabas at sumakay ng sasakyan kesa sa aming dalawa ni ate Coleen.
Pagkarating namin dun sa bahay naming walo ay nagtaka kami dahil may sasakyang nakaparada sa labas kaya dali-dali kaming lumabas ng kotse.
Pagpasok namin sa loob ay tumambad sa amin ang isang babaeng nakatayo, nakatalikod sa amin habang nakatingalang pinagmamasdan ang litrato naming walo na nakasabit sa dingding.
"S-Shamey?" sambit ni ate Majoy sa pangalan nito.
Humarap ito sa amin at kaagad itong napaiyak ng makita kami. "Ate Majoy..." hikbing sambit niya at kaagad na yumakap kay ate Majoy pati na rin sa aming dalawa ni ate Coleen.
Umiyak na rin si ate Majoy at niyakap niya ng mahigpit si Shamey. "Bunso." sambit ni ate Majoy.
She cupped Shamey's face after they hugged each other. "Kumusta ka na? Okay ka na ba? Anong nangyari bunso?" tanong niya kay Shamey habang umiiyak pa rin.
Umupo muna kami sa sofa saka nagsimulang mag-kwento si Shamey. "Medyo okay na ako, ate Majoy. Pasensya na nga pala kung hindi ko nasabi sa inyo ang totoo kong pagkatao ha. Pasensya na kung hindi ko nasabi na tatay ko si Chairman Bramblett. Ayaw niya kasi na e reveal ko ang totoo kong identity eh. No choice rin ako kundi sundin ang gusto niya. Pumayag lang siya na e reveal ang totoo kong identity sa public ngayon dahil sa nangyari sa akin dun sa isla." kwento niya.
BINABASA MO ANG
SA ISLANG PANTROPIKO
Mistero / ThrillerBINI AU - 🌷; The photo in the cover is not mine. Credits to the rightful owner.