CHAPTER 6

9 0 0
                                    

MAJOY

Pangatlong araw na namin ngayon sa isla. At ngayong araw mismo ay pupuntahan namin yung kweba na nakita namin kahapon nung nag-mountain climbing kami sa bundok.

Supposedly, after dapat ng mountain climbing namin kahapon ay papasukin namin yung kweba kaso malapit na yun mag-ala singko ng hapon tapos may mga bata pa kaming kasama kaya naisipan namin na ngayon nalang namin puntahan.

Nasa gubat na kami ngayon naglalakad papunta sa kweba na tinutukoy ko. "Sure ba talaga kayo na tuloy tayo?" tanong ni Ten. Pang sampung beses na niya yan naitanong.

"Paulit-ulit? Paulit-ulit? Malapit na tayo oh! Malamang, tuloy ang pagpunta natin dun." nababanas na wika ni Audrey.

"Natatakot lang yan si Ten baka may biglang bumulaga na kalansay sa kanya doon HAHAHAHA." saad ni Shamey.

"Kasi naman, kweba yun noh! Malay ba natin kung anong meron dun. Dapat kasi sinama natin yung mga bata eh." Ten mumbled.

Hindi na pala namin sinama yung mga bata kahit na gusto nilang sumama kanina kasi delikado at baka mapagalitan pa sila nang mga magulang nila.

"O sinong unang papasok?" tanong ni Coleen pagkarating namin sa entrance ng kweba.

"Ikaw na ate Coleen." sabi ni Ten sabay tulak kay Coleen papasok.

"Sandali, bakit ako?"

"E ikaw ang matapang eh." sagot ni Ten kaya nabatukan siya ni Coleen.

"HAHAHAHAHA." happy na naman ang bunso.

"Hays! Sabay na nga lang tayo pumasok lahat." saad ko.

Sabay kami pumasok pero kami tatlo ni ate Raya at Coleen ang nasa unahan kasi syempre, kaming tatlo ang mga ate eh. Si Shamey naman ay hinawakan ko sa kamay, tapos si Audrey ay nakasiksik na kay ate Raya, at si Ten ay nakahawak sa damit ni Coleen. Buti pa si Khai at Glenn, chillax lang.

"Ano ba, Ten! Bitawan mo yung damit ko, nasasakal ako!" rinig kong reklamo ni Coleen.

"HAHAHAHAHA." tawa ni bunso.

"Tumingin ka sa dinadaanan mo Ten baka bigla tayong madapa dalawa, nakahawak ka pa naman sa akin." sabi ni Coleen kay Ten.

Maya-maya ay may bigla naman kaming narinig na kaluskos kaya napatili kami at sabay-sabay na nagtago sa likod ni Coleen, Khai, at Glenn.

"What was that?" kinakabahang tanong ni ate Raya. Nasa likod siya ni Khai at nakahawak sa braso nito.

"Bakit pa kayo pumunta rito kung natatakot naman pala kayo?" bored na tanong ni Glenn.

"To explore?" jusko, nakuha pa talagang sagutin yun ni bunso.

"Wag nga kayong masyadong maingay, nakakapanindig balahibo yung echo ng boses niyo eh." ani Coleen.

So far, wala naman kaming nakita na mga creepy stuffs sa loob ng kweba. Walang mga kalansay na ineexpect namin, kasi diba usually sa mga kweba may makikita kang mga bungo, pero dito sa kwebang 'to wala naman. May mga lights pa nga sa loob sa bandang dulo na para bang may taong naninirahan sa loob.

Pero may napansin akong mga salita na nakasulat kahit saan tapos parang red na pintura ang ginamit para maisulat ang mga salitang iyon. Hindi ko alam kung may meaning ba yun o charot charot lang.

Following       Footprints    Sand
In                    My World      Grip
Your               Holding         Guided
From              You're              The
The                 Walking         You
With                 Can             Hand
To                       I                    Of
This                  Feel              Your
Island              On                  By

SA ISLANG PANTROPIKOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon