Kinabukasan ay maaga talaga kaming nagising para makapag-swimming. Masarap kasing mag-swimming nang maaga kasi hindi pa mainit.
"Hindi kayo magsi-swimming, Glenn?" tanong ko kina Glenn at Khai na naka-upo lang sa may tabi habang pinagmamasdan yung iba na naliligo na. Pansin ko kasi na naka t-shirt at shorts lang silang dalawa ni Khai.
"Mamaya na siguro, ate Raya." sagot niya.
"Oh, okay. Puntahan ko nalang muna sila ha." sabi ko sa kanila at tumango naman sila. Naglakad na ako papunta sa direksyon nila Majoy na masayang nagsi-swimming.
"Hindi raw maliligo sila Khai, ate Raya?" tanong ni Ten.
"Mamaya na daw sila maliligo." sagot ko.
Ang ingay namin habang nagsi-swimming dahil si Coleen, Majoy, at Shamey ay nagsabuyan ng tubig dagat. Ang cute nila, para silang isang pamilya tapos si Shamey ang anak.
Si Ten naman at si Audrey ay nilulunod nila ang isa't-isa. Napa-facepalm at napailing nalang talaga ako dahil sa dalawang yun. Hanggang sa pagligo ng dagat nagbabardahan silang dalawa.
"Stop it, Ten! Sinisira mo ang pink ko na swimsuit. Paborito ko pa naman to." maarteng reklamo ni Audrey.
"Hoy! Itigil niyo na yan! Pag yang kalokohan niyo umabot sa sakitan, bantay jud mo nako!" ayan na si Coleen, sinaway na sila. Si Coleen talaga ang dakilang taga-saway nilang dalawa.
Buong araw ay nag-swimming lang kami. Ang usapan namin na maglibot sa buong isla ay hindi talaga natuloy dahil nag-enjoy na ang lahat sa pagsi-swimming.
Nang magsawa na kami sa dagat ay naisipan naman ni Coleen na manguha sila ng mga kahoy para gamitin sa bonfire namin maya-maya. Silang apat ni Khai, Glenn, at Ten ang naghanap ng mga panggatong while me, Majoy, Shamey, and Audrey naman ang naghanda ng mga pagkain.
Pagkatapos maghanda at nang ma-ready na ang lahat-lahat ay nagkanya-kanya na kami ng pwesto. Naka-upo kami pa-circle, pinapalibutan ang bonfire na gawa nila Coleen.
"Hoy wag kayong masyadong magpakalasing ha." paalala ni Majoy sa amin. Nakabili kasi ng alak si Ten kanina dahil may nadaanan daw silang tindahan nung naghahanap sila ng panggatong.
"Yes, ma'am!" sambit ni Ten with matching salute pa kay Majoy.
"Noted po." sabi naman ni Coleen sabay labas nang gitara niya.
"Uy ayos. May dala ka palang gitara?" tanong ni Ten kay Coleen.
"Nakita mo naman diba?" natawa ako dahil sa sarkastikong sagot ni Coleen.
"Alam niyo, ang sarap manirahan sa islang to noh? Maganda, maaliwalas, tahimik lang, wala masiyadong maingay, tapos ang fresh pa ng hangin." pag-iiba ni Majoy ng topic.
"True! Magkakaroon ka talaga ng peace of mind sa ganitong lugar." pagsang-ayon ni Audrey.
"Glenn, kanta ka nga." Coleen said while she's strumming her guitar.
"Sige. Alam mo yung kanta na Babalik ni James Reid?" Glenn asked.
"Hindi familiar sa'kin eh. Ikaw nalang mag-gitara." Coleen replied and she handed her guitar to Glenn. Kinuha ito ni Glenn saka nagsimulang tumugtog at kumanta.
[music play - Babalik by: James Reid]
Oh, oh no, oh, oh
Kailan ba nagsimulang matapos ang lahat?
Kahit pa ang anumang hindi ipagtatapat
Aminado, sigurado, hindi gaanong nagampanan
Ang pangakong ginawa ko kaya lalo kang nasaktan
'Di maiwasang mapagsisihan
(Oh-oh-oh-oh-oh-oh-oh-oh)
Na ako'y lumisan
![](https://img.wattpad.com/cover/375410180-288-k258929.jpg)
BINABASA MO ANG
SA ISLANG PANTROPIKO
Mystery / ThrillerBINI AU - 🌷; The photo in the cover is not mine. Credits to the rightful owner.