EPILOGUE

37 0 0
                                    

COLEEN

🔞: trigger warning

Nang marating namin yung sa may dulo ay napahinto kami ni Raya nang makita si Shamey na may bitbit na martilyo at akma na nitong ipukpok ang martilyo kay Khai.

"Shane, please. Itigil mo na to!" sigaw kaagad ni Raya kaya napahinto si Shamey at napalingon sa gawi namin saka ngumiti nang napaka-creepy.

Umayos ito nang tayo at ibinuka ang mga kamay, yung para bang nagpapahiwatig na gusto niya nang yakap.

"Ate Raya~" nakangiting sambit niya.

Jusko! Ang creepy ng boses niya...

Lumapit kami ni Raya sa gawi nilang tatlo. "Shane, please. Tumigil ka na." pakiusap ni Raya kay Shamey.

Ngunit tumawa lang si Shamey. "WAHAHAHAHAHA tumigil? Bakit naman ako titigil? At bakit ko naman susundin ang pakiusap mo? Ikaw ba, sumunod ka din ba sa sinabi ko? Diba hindi?" ang bilis nagbago nang boses niya tsaka yung facial expression niya. I think itong kaharap namin ngayon ay Shane Bramblett na at hindi na ang alter niyang si Shamey.

"Malinaw kong sinabi sa'yo na wag na wag kang gagawa nang isang bagay na hindi ko magugustuhan. Pero anong ginawa mo?! Ibinigay mo sa kanila yung diary mo!" sabay na namilog ang mga mata naming tatlo ni Khai at Majoy matapos niyang sabihin iyon.

Putek! Alam niya?!

"Papano mo nalaman?" kabadong tanong ni Raya.

"Papano? Dahil nilagyan ko nang voice recorder yang kwentas na suot-suot mo hanggang ngayon WAHAHAHAHAHA." and for the second time, nanlaki na naman mga mata naming tatlo.

Jusmeyo! Alam niya nga talaga!

"Welcome to my precious playground, everyone!" sigaw niya. "Alam kong may mga kasama kayong mga pulis na nagtatago lang ngayon dito sa kweba." dagdag nito kaya napalunok ako.

Shuta! Feeling ko alam niya ring may tracker na dala-dala si Khai at Majoy lalo na at nabanggit namin ito kanina kay Raya...

Tumawa na naman siya na parang demonyo tapos umupo sa upuan na nasa harapan namin. Lumingon ako kina Majoy at Khai para e check sila. Pareho silang dalawa nakagapos sa kamay at paa. Mabuti nalang walang sugat o kahit na anong galos sa katawan si Majoy. Pero si Khai meron siyang pasa tapos dumudugo yung gilid ng labi niya at may dugo rin sa may gilid ng noo niya. Ineexpect ko na na si Khai ang sasaktan niya dahil nga alam niyang mahal nito si Raya.

"Alam niyo ba kung bakit ako nagkaganito?" bored niyang tanong sa amin.

"Nagkaganito ako dahil sa pamilya nang walang kwenta kong ama. Wala naman akong kasalanan, hindi ko naman hiniling na ma-buhay sa mundong 'to, pero ako itong pinapahirapan nila nang mabuti." panimula niya.

Sa sinabi niya ay parang nabawasan konti yung kabang nararamdaman ko. Naging ganito siya dahil sa pamilya niya? Totoo nga talaga na lahat ng taong masasama ay may pinagdaanang napakasakit kaya sila naging masama at nakagawa nang masama sa kapwa nila.

If Shamey has a reason why she became like this, then I guess, dapat rin naming marinig ang rason na 'yon para malaman namin kung bakit siya nagkaganito.

"May pinaniniwalaan kasi ang pamilya ng magaling kong ama that only biological male heir lang ang magmamana sa mga ari-arian ng pamilya every generation. Take note ha, lalaki lang at hindi babae. Para sa kanila kasi, women are weak at hindi sila naniniwala sa kakayahang meron ang mga kababaihan. Yung tatay ko ang nag-iisang anak ng parents niya. Siya yung tagapagmana kaya lahat ng kamag-anak pati na rin parents niya ay nag-eexpect na magiging anak niya ay lalaki. Kaya nung nagbuntis si mommy sa akin, sobrang excited nilang lahat, excited sila na dumating at isilang ang bagong tagapagmana. Pero nawala ang excitement at nadismaya sila nang maipanganak ako ni mom at nung nalaman nila na babae ang anak nito, na babae ako. Hindi nila natanggap, HINDI NILA AKO TINANGGAP, at ang pinakamalala sa lahat, they accused my mom na nag-cheat daw kuno ito kay dad, na hindi daw ako anak ni dad dahil babae ang naging anak nito which is ako!"

SA ISLANG PANTROPIKOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon