CHAPTER 1

16 0 0
                                    

HIRAYA

🔞: trigger warning

"Ate Raya, nakita mo yung pink na maleta ko?" tanong ni Audrey sa'kin.

Audrey Sevilleja loves pink color. Kahit na anong bagay basta ang kulay ay pink, magugustuhan niya yan. Mawalan na yan ng pera, wag lang talaga yung mga gamit niyang kulay pink.

"Hindi eh. Pero bakit hinahanap mo?"

"Lalagyan ko ng mga damit ko." sagot niya.

Bigla namang sumulpot si Ten. "Anong maleta? Hoy! Magbabakasyon lang tayo ng isang linggo sa isla, hindi tayo pupuntang amerika." magsisimula na naman tong bardagulan nila ngayon.

Si Ten Robles naman ang kontrabida sa buhay ni Audrey. Iiyak ang langit kapag hindi nagbangayan ang dalawang yan. Her goal is to annoy Audrey everyday. Makita niya lang na naiinis si Audrey ay magiging masaya na yan.

"HAHAHAHAHAHA." malakas na tawa ni Shamey.

Syempre, kung present ang dalawa, present din ang pinaka-bunso sa aming barkada. Si Shamey Catacutan, ang taga-tawa kapag nagbabarda si Audrey at Ten. Siya yung pinakamasayahin sa aming lahat. Malakas yan tumawa at kahit saan tawa yan ng tawa.

"Pakialam mo! Magdala ka rin ng sayo para hindi ka mainggit!" iritadong saad ni Audrey kay Ten na mas lalong ikinatawa ni Shamey. O diba? Hindi talaga kompleto ang away nung dalawa kung walang Shamey na tumatawa.

By the way, naisipan kasi naming magbarkada na magbakasyon ngayon ng isang linggo sa isang magandang isla na ini-recommend sa'kin ng kakilala ko kaya eto kami ngayon naghahanda ng mga gamit namin.

"Bakit naman ako maiinggit? Ha?!" ayaw rin talaga magpatalo ni Ten eh. Pambihira! Hindi pa sila tapos. Hays! Hindi talaga kompleto araw ng dalawang to kapag hindi nagbangayan.

"Ano ba yan! Umagang-umaga nagbabangayan na naman kayo!" reklamo ni Coleen pagkalabas niya galing sa kanyang kwarto kaya ang dalawa ay natahimik kaagad.

Ito pa ang isang kokompleto sa samahan, si Coleen Vergara, ang kaibigan naming may malalang anger issues. Kung si Shamey ang tawa ng tawa sa tuwing nag-aaway si Ten at Audrey, si Coleen naman ang dakilang taga-saway nila. At kaming lahat ay takot talaga sa kanya lalo na kapag nagalit na siya. Kaya bawal talaga na ma-triggered ang anger issues ni Coleen Vergara.

"Ayan! Pagalitan mo yang mga yan! Ang ingay-ingay." Majoy said.

Yan naman si Majoy Ricalde, ang mapagmahal, maalaga, at pinaka-sweet sa grupo. Siya yung neutral at wala talagang kinakampihan. Fair siya sa aming lahat. At mahal na mahal niyan ang bunso namin na si Shamey.

Hays! Sila po yung mga kaibigan ko. May OA, may maingay, may pasaway, may tawa ng tawa, merong walang paki, at higit sa lahat, may malalang anger issue. Pero hindi pa ako tapos sa pag-introduce ng mga kaibigan ko ha, may dalawa pa na hindi ko pa naipakilala.

Kung nagtaka kayo kung bakit magkasama kami sa iisang bubong, well, we study in the same university at para hindi na kami uuwi sa mga kanya-kanya naming tirahan ay naisipan ng mga parents namin na mangupahan nalang kami ng isang bahay na malapit lang sa school namin. That's why! Mabuti nalang nakakita kami ng isang malaking bahay na pinapaupahan kaya grinab kaagad namin ang opportunity na 'yon.

"Shamey, ready na lahat ng gamit mo ha. Nailagay ko na lahat ng kailangan mo sa bag na dadalhin mo." saad ni Majoy kaya natuwa naman ang bunso.

"Awiieee... Thank you, ate Majoy." malambing niyang sambit sabay yakap kay Majoy.

Spoiled talaga si Shamey kay Majoy at pati na rin kay Coleen. Ang cute kasi tapos love na love rin nila yan. Kaya ngayon, imbes na siya ang mag-aasikaso sa mga gamit na dadalhin niya, si Majoy na mismo ang gumawa nun para sa kanya at chillax nalang siya while watching tv.

SA ISLANG PANTROPIKOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon