CHAPTER 17

10 0 0
                                    

COLEEN

🔞: trigger warning

Kinabukasan, matapos kong maihatid si Majoy at Khai sa mga bahay nila ay kaagad akong umuwi sa amin. Pagpasok ko sa loob ng bahay ay nagtaka ako dahil sobrang tahimik at walang katao-tao except sa mga alaga naming pusa.

"Ma?" tawag ko kay mama pero walang sumagot.

Hinanap ko si mama at papa sa buong bahay pero wala sila. Saan na naman kaya nagpunta ang mga yon? Kinuha ko nalang ang cellphone ko sa aking bulsa para tawagan si mama, buti nalang at sumagot ito.

"Ma, nasaan kayo?" tanong ko kaagad ng sagutin niya ang tawag ko.

"O, nasa bahay ka na ba?"

"Opo. Nasaan po kayo? Bakit wala kayo ni papa dito sa bahay?"

"Andito kami sa ospital, anak. Sinugod namin si papa mo dito, bigla nalang kasing inatake eh."

Pagkasabi niya nun ay medyo nataranta ako. "B-bakit? Anong nangyari? Sandali, pupunta ako diyan." hindi ko na hinintay pa ang sagot niya at binaba na kaagad ang tawag tsaka dali-daling lumabas at sumakay ng kotse.

Kaagad kong pinasibad ang kotse papuntang ospital. Mabuti nalang medyo may malapit na ospital dito sa amin, kaya agad akong pumunta dun. Alam ko namang andun sila sa ospital na iyon kahit pa hindi nabanggit ni mama.

Pagkarating ko sa ospital ay kaagad kong tinanong sa mga nurse kung may nagngangalan bang Nicolo Vergara na inadmit recently. Pagkatapos ay pinuntahan ko na kaagad ang room na sinabi sa akin ng nurse.

Si mama kaagad ang nakita ko nang makarating ako sa loob ng kwarto, naka-upo siya sa tabi ni papa.

"Ma." tawag ko sa kanya at kaagad siyang niyakap.

"Ano pong nangyari?" tanong ko.

"Kanina kasi, umaga kami pumunta sa restaurant natin para buksan iyon, hindi kasi nakapagbukas ang pinsan mo kanina dahil may importanteng lakad siya nang maaga kaya kami nalang muna ang nagbukas nung restaurant. Tapos namalagi muna kami dun dahil hinintay namin pinsan mo na maka-uwi. Nagkaroon din ng customer kaya inasikaso ko muna saglit at pagbalik ko sa gawi niya, nagtaka nalang ako dahil nag seizure na siya." paliwanag ni mama.

"Ano pong sabi ng doktor?" tanong ko sa kanya habang ang tingin ko ay na kay Papa.

"Ang sabi niya baka daw may nakapagpa-triggered sa kanya kaya nangyari yun." sagot ni mama kaya napakunot ang noo ko.

Nakapagpa-triggered? May naalala na ba si papa? O di kaya may isang bagay siyang nakita na maaaring nakapagpa-triggered sa memorya niya?

Naaksidente kasi si papa 4 years ago, pero hindi ako sure kung totoong aksidente talaga yung nangyari sa kanya o sinadya, imposible kasi eh. Basta naaksidente siya nung time na nag-iimbestiga siya sa isang abandonadong building. Si papa kasi ay isang crime investigator, sobrang well-known niya noon at highly respected talaga siya noong hindi pa siya naaksidente.

Sobrang proud na proud ako sa kanya at iniidolo ko talaga siya to the point na ang kinuha kong kurso ngayon ay criminology dahil gusto kong maging kagaya niya. Lahat ng kasong hinahawakan ni papa noon ay nasosolved niya, except lang dun sa huli dahil minalas siya. Nung nag-iimbestiga siya 4 years ago, ay nahulog siya sa fourth floor ng 5 storey abandoned building. Luckily, he survived. Pero yun nga lang, nagkaroon naman siya nang traumatic brain injury kaya ang resulta parang bumalik sa pagkabata si papa. Makakagalaw siya, makakakain at makakapaglakad, pero hindi na siya makakapagsalita at wala rin siyang maalala tungkol sa lahat ng mga nangyayari noon. Ang tanging naalala niya lang ay ako na anak niya at si mama na asawa niya. Kaya yung huling kaso na hawak ni papa ay hindi niya na solve because of that accident.

SA ISLANG PANTROPIKOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon