COLEEN
🔞: trigger warning
Hinahanap ko si Raya dahil gusto ko siyang komprontahin. Gusto ko siyang tanungin kung totoo ba yung mga sinabi ni Glenn sa akin kanina.
May inamin kasi si Glenn sa'kin kanina habang nililinisan ko yung banyo ng kwarto namin. Talagang nagulat ako at hindi makapaniwala sa mga sinabi niya.
FLASHBACK
Habang naglilinis ako sa loob ng banyo ay hindi ko namalayan na nasa likuran ko na pala si Glenn. "Ate Coleen, may aaminin ako." rinig kong sambit niya.
"Ano yun, Glenn?" tanong ko habang nagmo-mop sa tiles ng banyo.
"Alam ko kung sino ang tunay na salarin." napahinto kaagad ako sa aking ginagawa nang marinig ang sinabi niya saka napatingin sa kanya.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko at lumapit sa kanya.
"Nung gabing hinahanap namin ni Ten si Audrey, dun ko nalaman kung sino talaga ang killer. Actually nung gabing yun, nahanap at nakita ko na talaga si Audrey nun ate Coleen kaso huli na dahil nakabitay na siya dun sa cottage. Hindi ko nagawang lapitan nun si Audrey dahil andun yung killer, nakatingala ito habang pinagmamasdan ang nakabitay na katawan ni Audrey tapos may bitbit itong martilyo." naiiyak niyang paliwanag.
"Bakit hindi mo kaagad sinabi sa amin?"
"Dahil natatakot ako. Natatakot ako ate Coleen. Gustong-gusto ko itong itago sa inyo pero hindi ko na kaya. At naisip ko rin na habang buhay pa ako, e mas mabuti kong ipaalam ko na sa inyo ang totoo. Ayokong mamatay na hindi nasabi sa inyo ang totoo, ate Coleen." medyo nataranta ako nang magsimula siyang magpanic.
"G-Glenn, kalma lang okay? Hindi mo kailangang sabihin agad sa akin kung hindi ka pa ready. Ako na bahala ang tumuklas kung sino talaga ang totoong salarin sa mga pangyayaring ito. Atsaka Glenn, hindi ka mamamatay. Walang mangyayaring masama sayo, okay? Makakaalis tayo ng buhay sa islang 'to." pagpapakalma ko sa kanya.
"Pero ate Coleen hindi mo kasi naiintindihan eh. Hindi niyo malalaman kahit kailan kung sino talaga ang totoong suspek dahil masyadong inosente itong tignan. Ni hindi ka nga siguro maniniwala kung sasabihin ko sa iyo eh. Atsaka isa pa, there's a possibility na sa mga oras na ito ay ako na ang susunod niyang tatargetin. Naalala mo yung sinabi ni Khai kanina? Na kung sino yung makakakita o makakapulot nung papel ay siya yung next target? Ate Coleen, ako yung nakakita sa papel na nasa kamay ni Ten kanina. And who knows, baka alam rin ng killer na alam ko ang tungkol sa kanya. Kaya sasabihin ko na sayo ngayon ang totoo ate Coleen bago pa mahuli ang lahat." mahabang saad niya habang humihikbi ng iyak.
Tinitigan ko siya ng mabuti sa kanyang mga mata. Nakikita ko sa mga mata ni Glenn yung takot. Kaya hindi ko na rin mapigilan ang mga luha ko na hindi tumulo. Putek! Hindi ko man lang ma-protektahan ang mga kaibigan ko. Hindi ko man lang nagawang protektahan yung mga nakababata kong kaibigan.
Sa mga nangyayari palang sa amin ngayon, gustong-gusto ko na talaga sumuko. Nung pagkamatay palang ni Shamey, para ng dinurog yung puso ko. Tapos sumunod pa si Audrey at ngayon naman si Ten.
Kung totoo man yung hinala nila Khai na ang totoong killer ay may lihim na galit sa akin tapos ginagawa niya ito para masaktan ako? Pwes, nagtagumpay talaga siya sa pananakit sa akin. Hindi lang niya ako nasaktan, dinurog niya pa ako ng pinong-pino and it slowly kills me inside.
"Sino, Glenn? Sino ang totoong salarin?"
It took her a second bago siya nakasagot. "Si ate Raya. Siya ang may kagagawan ng lahat ng ito." she revealed that made me shocked.
BINABASA MO ANG
SA ISLANG PANTROPIKO
Mystery / ThrillerBINI AU - 🌷; The photo in the cover is not mine. Credits to the rightful owner.